TRES

8 3 0
                                    

Sa lahat ng bagay dito sa mundo, paghihiganti ang siya mismong pumapatay sa atin. Gusto nating maghiganti kahit hindi sapat ang ating dahilan. Ang iba'y hustisya ang hinahangad kaya naghihiganti sila. Pero sapat ba ang ating dahilan para gawin ang paghihiganti?

Ginawa namin lahat ni Rayne ang makakaya namin para matulungan sila. Ang lalaki ay buhay pa kaya dapat niyang pagbayaran lahat ng masamang nagawa niya sa rehas.

Hindi lang iisa ang naipataw na kaso sa kanya. Ilegal siyang nagbebenta ng droga, pumatay siya, at higit sa lahat ay siya mismo ang dahilan kung bakit namatay ang sarili niyang asawa at anak. Patong-patong ang kaso niya kaya naman wala na siyang pag-asa pang makalabas sa kulungan.

"Marie, last na talaga yun. Ayoko nang makialam pa sa mga hinaing nila." Ngumiti nalang ako sa kanya. Naglalakad kami ngayon papunta sa presinto dahil kami ang ginawang testigo para sa kaso.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakasalubong namin ni Rayne ang dalawang nilalang na tinulungan namin. Bakas sa kanilang mga mata ang saya sapagkat nakamit narin nila ang hustisya na hinihiling nila.

"Maraming salamat" ngumiti kami ni Rayne bilang tugon sa kanila.

"Masaya kami sapagka't natulungan namin kayong makamit ang hustisya na hinihiling niyo." Wika ni Rayne at yumuko.

"Salamat dahil binigyan niyo kami ng aral." Muli akong ngumiti.

"Paki sabi po kay Mama at Papa na mahal ko po sila"

"Makakarating"

"Salamat. Paalam." 

Nawala na sila sa harapan namin kaya ipinagpatuloy na namin ni Rayne ang paglalakad namin papuntang presinto.

Sa buhay natin, hindi maiiwasan na naisin natin ang paghihiganti. Pero ano nga ba ang magagawa ng paghihiganti kung sa huli ikaw rin ang maaargabyado? Anong magagawa ng paghihiganti natin kung sa una palang mali na to?

Ang kulang kasi sa atin ay ang pagpapatawad at pagtanggap.

Kapag may nangyari na hindi natin nagustuhan, hindi natin ito matanggap. Kapag nagkasala sa atin ang ibang tao ay nahihirapan pa tayong magpatawad. Iniisip natin na hindi nila deserve ang pagpapatawad na ibibigay natin sa kanila. Sa'yo ba? Nagsisi ka na sa lahat-lahat at humingi ka ng paumanhin sa taong nakagawan mo ng kasalanan subalit hindi ka niya pinatawad. Anong mararamdaman mo? Diba at hindi maganda sa pakiramdam. Nagsisi ka na pero hindi ka parin pinatawad.

Kaya sana tayong nga tao, matuto tayong magpatawad lalo na sa ating nga sarili.

Walang magagawa kung ibabaon mo sa puso't isipan mo ang nagawang kamalian sa'yo.

Oo nga't mabigat ang nagawang kasalanan sa'yo pero huwag nating gagawin na maghiganti. Kapag ba ginawa sa'yo ay gagawin mo rin ba sa iba? Kapag ba sinaktan ka ay sasaktan mo rin ba dapat sila? Hindi.

Wala yang magagawa. Ikaw lang din ang magsisisi sa huli.

Matuto kang tanggalin ang lahat ng nangyayari dito sa mundo. Hindi buo ang buhay kung walang mga pagsubok na darating.

Ang mga balakid na yang ang siyang susubok sa atin kung kaya ba natin o hindi.

Hindi naman niya tayo pinapabayaan.

Sa pagwawakas nitong kwento nila, nais ko lang sabihin sayo na may nilalang na nakabantay sa'yo ngayon.

Sana ngayon ay matutunan mong tanggapin lahat.

I Can See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon