DOS

10 2 0
                                    

Dumilim ang mukha nito. Hindi ako nag-aakusa kung hindi totoo ang sinasabi ko. Ang dalawang pinatay mismo nito ang nagsasabi sa akin na siya ang pumatay sa kanila.

Paano niya naatim na pumatay ng isang inosenteng bata? Paano niya naatim na patayin ang isang lalaki na napadaan lamang sa bakuran niya?

"Anong tinatago mo?" Tanong naman sa kanya ni Rayne.

"Alam naming may malaki kang lihim at nakatago yun sa mismong inaapakan namin" pagpapatuloy nito. Hindi ito sumagot sa amin bagkus ay umalis na ito. Hindi. Hindi siya basta-basta umalis.

"Rayne bilisan natin bago pa siya bamalik. Nandito sa pwesto namin ang sekreto niya" dali-dali naming binungkal ang tiles at doon kami nagulat ng husto.

"Marie" umiiyak na sambit ni Rayne.

"Bilisan niyo. Nariyan na siya"

"Bilisan natin Rayne. Malapit na raw siya" nanginginig man kami ay kinuhanan namin ng litrato ang natuklasan namin. Akma na kaming tatakbo palabas ngunit ngumisi lamang sa amin ang lalaki at may hawak na siyang itak ngayon. Nanginig kami lalo ni Rayne at hindi na namin alam ang gagawin namin.

"Marie, natatakot na ako" oo nga't takot kami sa mga nakikita naming kaluluwa pero mas nakatatakot kami sa mga taong hangal ang kaluluwa.

"Hindi na kayo makakalabas pa dito. Magagaya kayo sa dalawang yun. Hindi niyo na dapat pang inalaam ang sikreto ko." Sa hindi inaasahang pangyayari, nabitawan ng lalaki ang hawak nitong itak.

"B-bakit... ano-anong" turo nito sa dalawang nilalang na nasa harap niya. Hinayaan nila na makita sila nito.

"Mamatay tao ka!"

"Hindi pa ba sapat ang kaluluwa namin na nandito ngayon sa harapan mo?! Ang dapat sayo namatay na rin!" Akma na nitong aatakihin ang lalaki ngunit pinigilan ko sila. Hindi dapat sila nananakit ng tao. Maaaring hindi na nila mahanap ang landas na tatahakin nila papunta sa kabilang buhay.

"Huwag!" Tinignan nila akong dalawa ng masama.

"Anong ginagawa mo Marie? Umalis nalang tayo dito"

"Dapat na rin siyang nawala dito sa mundo!" Malalim at nakakatakot na sigaw nito sakin.

"Hindi mo nararamdaman ang nararamdaman namin!" Umiling ako sa kanila.

"Hindi lahat ng bagay ay dapat pantay-pantay. Oo, hindi makatarungan ang pagkamatay ninyo pero mas hindi niyo makakamit ang hustisya na hiling ninyo kung gagawin niyo yan. Hayaan niyong tulungan namin kayo para makamit niyo ang hustisya sa pagkamatay ninyo" bumaling ang tingin nila sa lalaking nakamulat parin ang mata dahil sa gulat. Lumapit sila rito subalit umatras ang lalaki.

"Bakit mo kami pinatay?" Tumigil sa pag atras ang lalaki.

"Traydor ka! Ang sabi mo hindi nila malalaman ang ginagawa ko pero isinumbong mo parin ako! At ikaw namang bata ka! Isa kang napakalaking pakialamero sa buhay ko! Kung hindi dahil sa'yo sana buhay pa ang buong pamilya ko!"

"Tama lang ang ginawa ko. Ilegal ang pagbebenta ng drugs."

"Wala akong kasalanan sa pagkamatay nila Diana! Kasalanan mo nakita ko! Tinulak mo ang Mama ni Diana kaya nasagasaan silang dalawa!" Diana? Ang batang laging kalaro ng kapatid ko.

"Hindi! Wala akong kasalanan!" Bigla itong tumayo subalit huli na. Hindi sinasadyang mahulog siya sa hagdan.

"Hustisya lang ang hiling namin Sherwin, wala nang iba pa"

I Can See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon