SY-7

436 6 0
                                    


July 27

Its been a week since we moved here in Philippines. This is my mom's decision so wala akong magagawa. Actually dito ako pinanganak kaso nung seven ako lumipat kami sa Canada kasi may business doon si Mommy while my dad is in heaven na. Si mom ang nagtataguyod sa amin ni kuya kaya I'm very grateful na siya ang mommy ko. Even sometimes she is strict, I know na it is for our safety naman and I'm sanay na rin.

Noong naka-uwi na kami dito sa Manila my lola is very happy. Nandito rin yung mga kapatid ni Mom and my cousins too. Last ko silang nakita is noong dito pa kami nakatira kaya ngayon di ko na sila masyadong close pero approachable naman sila. Nahalata ata nila na di ako masyadong nagsasalita kay hindi na nila ako kinulit pa. I'm adjusting and trying my best to talk with them pero hindi talaga ako sanay. Noong nasa Canada kasi si Shaye lang ang lagi kong kasama, kaya di ako masyadong palasalita and nakikisama sa iba, I prefer to be alone kesa makipag-usap sa iba lalo na kung hindi naman si Shaye. 

Speaking of Shaye. I'm sad for her cause I know na she is not totally in good terms with her cousins but lagi ko siyang sinasabihan na get along with them pero sabi niya ayaw niya raw so wala akong magagawa. Shaye is my friend since Grade 2. Kaya di talaga kami mapaghiwalay niyan simula noon kaso ngayon wala akong nagawa kasi ito yung decision ni Mom. She told me na gagawa na lang siya ng letter every week at ipapadala niya ito sa akin. She really knows my hobby. When I was in middle school I started to collects any kind of cards and lahat ng mga binibigay niya sa akin is nandito sa box ko and dala-dala ko iyon.

Ngayon ko lang din nalaman na si Lola lang pala ang nakatira dito pero may katulong naman pero hindi rin namin relatives and I guess that is the reason why mom wants us to move here and that is to take care Lola her mother.

I heard that Mommy decided to build a flower shop, that is our business. We have also flower shop in Canada but for now my kuya is the one who is managing that shop with the help of his wife.

Right now, I am a second year student taking up Business Administration. Today, I'm still here in Lola's house and very bagot na. So mom decided to enrol me in a University where she graduated, I heard it is in Svenson University. She told me also na I need to go to school tomorrow because I'm late na but I can catch up naman kaya no worries.

Sincerely Yours (EPISTOLARY 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon