Nakarating na kami kanina dito sa Palawan at dumiretso agad kami sa isa sa mga hotels dito. Akala ko ay mag-isa lang ako sa room but Chess insist na gusto raw niya ako makasama kaya pumayag na ako.
Naisipan ni Chess na bumaba na kaya sumama na ako sa kaniya. Nagswimming na sila at ako ay naiwan dito sa pangpang. Watching the view here in Palawan is so refreshing. Super ganda and nakakagaan sa pakiramdam. Nakaupo lang ako dito while sipping my buko juice ng may naaninag ako na naglalaro ng volleyball and pilit kong inaaninag at nanlaki ang mata ko ng makitang si Bzei iyon. Nakita ko silang napatigil ng biglang itinuro ako nung friend nilang babae-yung gusto raw akong makita according to Rellin.
Tumigil sila sa paglalaro at lumapit sa akin. Tumayo na rin ako para salubungin sila.
"Sadie, what a coincidence" sabi ni Bzei.
"Oh, hi" ngiti ko "What are you doing here?"
Tumingin siya kay Rellin at pinagsingkitan niya ito ng mata. "Hmm, w-wala kaming maisip na mapuntahan kaya dito kami napadpad." pagdadahilan niya.
Tumango ako "That's good."
"By the way, Sadie, si Fixi at si Ledger friend namin" sabi niya at itinuro nito yung babae at lalaki na malayo ang tingin.
"Hi, nice to meet you". sabi ko at naglahad ng kamay sa kanila. Kinuha rin nila iyon at ngumiti.
"S-sige mauuna na ka--"
"Sadie!!!!!"
Boses galing kay Chess ang aking narinig. Papalapit siya sa aming gawi. Agad niyang akong hinila at pinalapit sa kanya. Tig-isang batok ang ibinigay niya kay Rellin and Bzei na naging dahilang ng pagkabigla ko.
"BAKIT KAYO NANDITO?" tanong niya at nakataas ang kilay.
"Mag-siswimming" pagdadahilan ni Bzei habang hawak pa rin ang ulo.
"Hoy wag ako unggoy!" sigaw ni Chess.
"Aalis na nga kami." sabi niya. " Baka hindi na kami makauwi ng buhay" sabi niya at naglakad na.
Tumawa si Rellin. "Sige, una na kami. " sabi niya sa akin. Tumango naman ako. "See you later" sabi pa niya.
Ledger smirks. "Let's go Fixi"
"No mauna ka na" sabi ni Fixi. "Dito muna ako"
Tumango na lang si Ledger "K" at umalis na.
"Boring" rinig ko pang sabi ni Chess.
Nalaman ko na friend pala ni Chess si Fixi kaya di naman siya masiyadong na -OP. But I think di naman siya talaga ma o-OP she's so daldal. Nakawentuhan ko rin siya. Nalaman ko rin na yung isa niyang friend na babae na natapunan ko ng coffee last time ay hindi sumama kasi may familiy bonding daw.
Gabi na. Kaya naisipan na naming kumain. I saw Bzei's Friends na narito sa amin. Pinasama ng isang cousin ko sila cause friend niya raw sila Rellin especially the another boy, which is Ledger.