SY-21

301 5 0
                                    

September 6

Sinag ng araw ang nagpagising sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nakita ko kaagad ang ganda ng Palawan. Kinusot-kusot ko ang aking mata at napagpasyahan ng tumayo. Nag-stretch ako ng aking mga braso hanggang sa nahagip ko ang kama ni Chess kaso wala siya. Dumiretso agad ako sa kusina para hanapin siya pero wala akong nakitang Chess. Tiningnan ko rin ang mga dala niyang bagahe at mas lalo akong naguluhan ng makitang wala na ang mga iyon. Napa-upo ako sa kama niya at inumpisahan na siyang tawagan.

Napagpasyahan kong sumama kay Rellin kasi si Chess ang nagsabing kailangan niya raw magpahangin kaya sabi ko sakto may nag-invite sa akin na pumuntang Palawan kaya magkasama kami. Hindi ko nga naisabi kay Rellin pero mukhang okay lang naman siya.

Speaking of Rellin. Masyado akong nahihiwagaan sa mga gawi niya ngayon. We are not totally close pero I don't know his really intention on me. I'm not the person who can't feel a boy who have interests on me, but I don't care though.

Napahiga nalang ako hanggang sa may parang nagusot na papel akong nahigaan. Napaupo agad ako hanggang sa may nakita akong maliit na papel. Kinuha ko yun at nakita kong sulat ni Chess iyon.

Good Morning Sadie,

I need to go now. Hindi na kita nagising but I'm sure you're in good hands. Huwag kalang magpabola diyan kay Rellin. Thank you for allowing me to join with you. Hahaha.

May date kasi ako kaya, gora ako! Uuwi na rin naman ikaw mamaya kaya enjoy!

-autumn

Napatawa ako sa letter niya. I think she's just lying. I know she have a problem, I heard kagabi na umiiyak, kaya hinayaan ko nalang siya.

Nag-ayos na ako naisipang lumabas na. Dumiretso ako sa restaurant dito sa hotel at nakita ko agad si Rellin na nag-aayos ng pagkain. Napangiti siya ng makita niya ako na papalapit sa kaniya.

"Hi" sabay baba ng platong hawak niya.

I smiled. My eyebrows rose up.

"What?"

I shrugged.

Kinunutan niya ako ng noo. Sinenyasan niya rin akong umupo sa harap niya kaya ginawa ko iyon.

"By the way, where is Chess?" tanong niya while putting rice on his plate.

"Umuwi na" sabi ko at uminom ng tubig.

Tumango siya.

"LQ kasi" pahabol niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay. "What did you say?"

Umiling siya.

Hindi ko na lang siya pinansin at sinimulan ng kumain. I heard na may gusto raw siyang puntahan dito so dun ang tungo namin ngayon. Mabilisang breakfast ang naganap sa amin at dumiretso na sa labas nitong hotel.

I was shocked when I heard him na magda-drive raw siya. Isang black BMW ang tumigil sa harap namin at ibinigay sa kaniya ng isang bell boy yung susi. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako. Tahimik lang ako habang nakatanaw lang sa labas. Kitang kita ko ang ganda ng Palawan. Mga taong makikita sa mukha ang kasiyahan. May mga turista rin na manghang mangha rin sa mga nakikita. Mabigat ang pakiramdam ko sa aking mata hanggang sa naisipan kong ipikit muna hanggang sa nakatulog na nga ako.

Sincerely Yours (EPISTOLARY 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon