DAY 1
NAG-DOORBELL ako sa unit ng kapatid ko, si Jack Claveria, isang sikat na director dito sa bansa. Proud na proud talaga ko sa kapatid ko at siguradong gano'n din ang magulang at ibang mga kapatid namin.
Tinignan ko ang relo ko, alas-onse na ng gabi, siguro naman ay nandito na siya. Pero bakit hindi niya ko pinagbubuksan? Nasa shooting kaya siya?
Sinubukan ko ulit na mag-doorbell. Ang alam niya kasi ay bukas pa ang dating ko pero napaaga kaya baka wala siya dito. Kinuha ko na ulit ang maleta ko, pwede naman akong makitulog sa kaibigan namin, pero may narinig akong kumalabog sa loob.
"Jack?" tawag ko sa kanya.
"Sino ba 'yan?!" sigaw niya mula sa loob, umungol siya matapos niya kong tanungin.
Bigla akong kinabahan. Okay lang ba siya? May nangyari bang masama sa kanya sa loob?
"Jack, ako 'to. Si Kuya Jude."
"Oh shit!" Narinig kong sabi niya sa loob at may mga kumalampag ulit. "Wait lang po, Kuya!"
"Sige lang..." nag-aalangan kong sagot.
Anong nangyari do'n?
Maya-maya pa ay binuksan na niya ang pinto. Naghanap agad ako ng marka ng dugo sa katawan niya dahil baka may nangyaring masama sa kanya. Nakaputing sando lang siya at shorts na maluwag tapos ang gulo-gulo ng buhok niya.
Tinignan ko nang maigi ang mukha niya. "Bakit may lipstick ka sa labi mo? Kalat-kalat pa."
"Oh, fuck!" bulong niya at saka pinunasan ang bibig niya gamit ang sando niya. "P-Pasok ka, kuya."
"Don't say bad words, Jack."
"Sorry, Kuya."
Pumasok kaming dalawa sa loob. Maayos ang unit niya ngunit napansin kong bukas ang pinto ng kwarto niya, bukas din ang ilaw. Napansin ko ring may sapatos ng babae na magulong nakatumba sa may carpet.
"May kasama ka?" tanong ko habang nakatingin sa sapatos.
"Ah, ano...W-Wala. Ano 'yan, gamit sa set. Props."
Akmang kukuhanin na niya ang sapatos pero nagsalita na ko. "Kung sino mang bisita ng kapatid ko, pwede ka namang lumabas at magpakita sa'kin. Hindi kita papaalisin."
"Kuya..."
May isang babae ang marahang lumabas mula sa kwarto. Nakayuko siya at nakasuot ng malaking puting polo na sa tingin ko ay pagmamay-ari ng kapatid ko. Gaya ng kapatid ko ay magulo rin ang buhok niya.
"G-Good evening po." Hindi siya makatingin sa akin.
Mukhang bata pa siya at malayo ang agwat ng edad nila. "Ilang taon ka na, hija?"
"Twenty po."
At twenty five naman ang kapatid ko. Nakahinga ako nang maluwag nang malamang hindi menor de edad ang babaeng iyon.
"Sorry, Kuya."
"Sino siya, Jack?"
"She's my...former student."
"Ano?!"
"Kuya, magpapaliwanag po ako. Matagal na kong resign, she's my intern now. Kuya, this is consensual I promise. Hindi ko siya pinagsamantalahan-"
"I believe you, Jack. Pero nagsasama na ba kayong dalawa dito?"
Nagtinginan silang dalawa at napayuko.
Napahinga na lang ako nang malalim at napapikit ng mata. Panginoon, patawarin niyo po sana ang kapatid ko at ang kinakasama niya sapagkat hindi po nila alam angg ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
Nine Days With Jude [CLAVERIA #1]
SpiritualC O M P L E T E D Highest rank: Spiritual #3 **** Mika Rodriguez was forced by her bestfriend to take the nine days novena in St. Jude Parish. All she have to do is to go everyday in St. Jude for nine days and pray the novena. After then, she may ta...