TODAY is the happiest day of my life; something that I did not expect na mangyayari sa buhay ko. Today, I am wearing the best design I ever made, a beautiful white wedding gown, and instead of holding a bouquet, I am holding a jar which contains the ashes of my mom...dahil walang maghahatid sa'kin papunta sa altar.
I walked slowly on the center aisle of St. Jude. I looked at the guests, their eyes are settled on me at lahat sila alam kong masayang masaya para sa'kin. Hindi man ganun kadami ang bisita, these people saw me in all of my dimensions and aspect. They witnessed my coldness and warmth, my grief and euporhia, and they all stayed.
I looked straight, and I saw him. I saw the man who made me change, the man that I will always be forever grateful. I saw Jude, ang lalaking habang buhay mayroong malaking puwang sa puso ko, ang lalaking nagbalik ng kulay sa buhay ko, siya ang nagsilbi kong kapayapaan sa gitna ng pansarili kong digmaan.
Nang malapit na ko sa altar ay tumigil na ko sa paglalakad.
I smiled at Jude and he smiled back at me. Sobrang gaan ng pakiramdam ko, para kong dinuduyan sa ere. I looked straight into his eyes and mouthed, "Thank you." At saka ako lumingon sa kanan ko.
Humarap ako sa lalaking pakakasalan ko ngayon, si Matthew.
Naalala ko ang unang beses naming pagkikita ilang taon na ang nakakaraan.
Tumingin ako sa malaking cross sa taas ng simbahan. "Isa kang malaking kalokohan, sinayang mo lang oras ko."
Papasok na sana ulit ako sa kotse ko nang may nagsalita mula sa likod. "Paano mo naman nasabi na kalokohan lang?"
Nilingon ko siya. The moment I stared at him, it felt like coming home after a long and tiring journey. Ngunit agad kong binura sa isipan ko iyon dahil baka pinaglalaruan na naman ako ng panahon.
"Dahil ba hindi natupad mga kahilingan mo?" tanong ulit niya.
"Anong pake mo?"
He quivered in disbelief. "I'm just curious, I'm sorry. Every Thursday kasi andito ako, and St. Jude never failed me. Hindi ko nga lang agad nakukuha 'yung mga gusto ko but at least natutupad pa rin."
"And your point is?"
"Uhmmm..." Lumikot ang mga mata niya na para bang nag-iisip. "My point is, hindi porke hindi natupad agad ang hiling mo, hindi ka na pinakinggan. Baka kasi may tamang oras? Baka kasi, may mas magandang plano si Lord para sa'yo?"
Bumuga ako ng hangin at bahagyang natawa. Umiling-iling ako. "Another Jude," bulong ko sa sarili ko.
"Huh? Hindi Jude ang pangalan ko, pero malapit. Nasa bible din pangalan ko. I'm Matthew. Matthew Gonzales." Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.
"And me? I am," I smiled, "I am busy and I don't care about you and your shit." Mabilis akong pumasok sa loob ng kotse ko at humarurot palayo.
Natatawa na lang ako kapag naaalala ko kung paano ko siya sinungitan noon. Hindi ko dapat siya sinungitan ng ganon nung gabing 'yun because he don't deserve it.
Siya 'yung nandyan noong panahong nawala sa'kin si Mommy at noong iniwan ako ni Jude, siya 'yung nandyan noong paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung anong mali sa'kin. Totoong si Jude ang nagbigay sa'kin ng kapayapaan, pero si Matthew ang naging dahilan para mapanatili ko ang kapayapaan na 'yun.
Two weeks after my Mom's funeral, life has never been the same for me. Madalas na kong wala sa sarili, hindi ako makapag-focus sa mga trabaho ko. Napabayaan ko na ang sarili ko, at hirap na hirap akong makaahon.
BINABASA MO ANG
Nine Days With Jude [CLAVERIA #1]
EspiritualC O M P L E T E D Highest rank: Spiritual #3 **** Mika Rodriguez was forced by her bestfriend to take the nine days novena in St. Jude Parish. All she have to do is to go everyday in St. Jude for nine days and pray the novena. After then, she may ta...