DAY 5
I WENT here in St. Jude earlier than usual to finish the novena earlier as well. I prayed a lot of times last night seeking for His help. Para naman akong naliwanagan pagkatapos kong magdasal. Maybe God sent her to me not as a mission but as a challenge.
And that challenge is in form of temptation. Baka sinusubukan lang Niya ang pananampalataya ko sa kanya. Kailangan kong tibayan ang loob ko dahil ilang araw na lang ay babalik na ko sa kumbento.
Kaya inagahan ko ang punta ko dito para hindi ko na siya ulit makita, ni hindi ko nga alam ang pangalan niya.
Nang matapos na ko sa novena ay agad na kong tumayo para umalis, ngunit agad nahagip ng mata ko ang babaeng gusto ko sanang iwasan. I saw her...crying. Hindi iyon basta-bastang luha, mukhang napakatindi ng pinagdadaanan niya ngayon.
She's sulking, her eyes are bawling from too much crying.
Binawi ko ang tingin ko sa kanya at bumaling sa ibang direksyon. Hindi na dapat ako nadadala sa pag-iyak niya, kailangan ko nang umalis. Naglakad ako palabas ng simbahan pero muli ko siyang sinulyapan.
She's crying her heart out while looking at the crucifix.
And it hurts me.
Tahimik lang siyang umiiyak ngunit dama ko ang sakit na nararamdaman niya. Bakit ganito? Bakit hindi ko siya matiis?
Marahan akong naglakad pabalik sa loob ng simbahan at umupo sa tabi niya.
I gently placed my hand at the side of her head opposite to me, and I slowly leaned her head on my shoulder. Parang nadurog rin ang puso ko nang mas lumakas ang bawat hikbi niya at ibuhos niya lahat ng luha niya.
Looks like something bad really happened.
There's just something about her na hindi ko matiis, na para bang gusto ko siyang alagaan at ilayo sa lahat ng sakit na nararamdaman niya. I witnessed people experiencing pain and I comforted them, pero pagdating sa kanya, kahit ako ay nanghihina.
"Akala ko ba...kapag nag-novena ko, matutupad ang pinagdarasal ko? I prayed for happiness, but why do I am getting all these tears in return?"
I caressed her hair. "You're still on the day five, there are still four days left. Just continue praying, keep your faith, and wait."
She hitched her breath as if I said something illogical.
Tumingin ako sa crucifix at kusang pumatak ang luha ko mula sa kaliwang mata ko. Bakit po ako nasasaktan ngayong nakikita ko siyang umiiyak? Why are You doing this to me?
I closed my eyes and tapped her head. "Wala pang naghintay na hindi sumaya sa dulo."
Hinayaan ko lang siyang umiyak sa balikat ko, hinayaan ko na lang na mailabas niya lahat ng mga dinadala niya. Lumipas ang ilang minuto at saka ko siya tinignan. Basang-basa ng luha ang mukha niya. "Are you done with your novena?"
She shook her head.
"Then do it now."
Tinignan niya ko nang masama na siya namang pinagtaka ko. "Mukha kong uhuging bata dito tapos gusto mong mag-novena agad ako? Pwede kalma lang? Pwedeng tumahan muna?"
Itinikom ko na lang ang bibig ko. Oo nga naman, pwede naman sigurong bumwelo muna.
Nang mapansin kong medyo umo-okay na siya ay saka ko siya tinanong. "Ano ba kasing nangyari sa'yo? Kung okay lang naman sayo pag-usapan, kung hindi, okay lang din."
She wiped her tears with tissue for one last time. "My mom is now admitted in the hospital." Kwinento niya sa'kin ang nangyari sa Mommy niya.
Napangiti ako. Sa kabila ng galit niya sa Mommy niya, heto siya at umiiyak at labis na nag-aalala. Minsan talaga natatabunan lang ng galit at hinanakit ang puso natin kaya pakiramdam natin ay hindi tayo masaya. Pilit nating itinataboy ang mga taong nagmamahal sa atin kaya pakiramdam natin mag-isa lang tayo.
BINABASA MO ANG
Nine Days With Jude [CLAVERIA #1]
SpiritualC O M P L E T E D Highest rank: Spiritual #3 **** Mika Rodriguez was forced by her bestfriend to take the nine days novena in St. Jude Parish. All she have to do is to go everyday in St. Jude for nine days and pray the novena. After then, she may ta...