"Hoy Forteza! Eyes on the court"Napatigil ako sa pagsulyap sa babaeng dumaan malapit dito sa court nang sumigaw ng malakas si coach.
"Sorry coach", paghingi ko ng paumanhin dito.
Nakngtokwa! Nakakahiya. Narinig niya kaya ang sinabi ni coach? Malamang ay narinig niya, lakas pa naman ng boses nito.
"Sino ba kasing tinitignan mo dyan?", masungit na tanong nito.
"Huh? Wala po coach", mariing pagtanggi ko dito.
"Back to the game! Walang sasayanging oras. Tandaan niyo, next week na ang intrams!", malakas na sabi nito.
Bago namin ipagpatuloy ang pageensayo ay saglit ko pang sinulyapan nang palihim ang babaeng nagpapatibok ng puso ko.
Gaya ng inaasahan ko, mag-isa na naman siyang nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga habang nagsusulat sa maliit niyang notebook. Lagi na lang siyang nagsusulat.
Napansin ko ang pag-angat niya ng tingin kung kaya't agad kong binaling ang paningin ko sa mga teammates ko na kasalukuyan nang nagwawarm-up.
Muntik na 'yon!
Mabilis na lumipas ang araw, kasalukuyan na kaming nagbibihis dito sa locker room dahil ngayon na gaganapin ang intrams slash interschool na magaganap dito sa aming school.
Mas pinili kasi ng mga teachers na dito na lang idaos ang programa dahil mas malawak ang space dito kumpara sa mga kalapit eskwelahan namin. Marami-rami din kasi ang mga estudyanteng sasama sa bawat school na kalahok sa intrams kaya ganoon.
Advantage din namin ito dahil lahat ng schoolmates namin ay makakadalo, malakas lakas na cheer ang maririnig namin habang naglalaro, mas nakakagana. Pero isang sigaw lang naman ang gusto kong marinig, sigaw niya. Pero mukhang malabo, hindi naman siya mahilig sa mga ganitong event kaya malamang, tatambay na naman siya sa paborito niyang lugar at mas pipiliing magsulat kaysa makihalubilo sa mga tao.
Kung wala nga lang attendace ang interhigh ay baka lumiban na lang siya sa klase at magkulong sa loob ng bahay nila.
Lihim akong napangiti sa naisip ko, simula elementarya kami ay ilag na siya sa atensyon at tingin ng mga tao, nang mag-highschool kami ay nagkaroon siya ng ilang kaibigan pero ngayong kolehiyo ay nagkahiwa-hiwalay sila ng pinapasukang eskwelahan kaya mag-isa na naman siya.
Inilibot ko ang tingin dito sa loob ng locker room, maswerte ako at nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila nakikita ang panaka-naka kong pagngiti. Baka masabihan pa 'kong bakla o kaya'y palihim silang pinagnanasaan 'pag nagkataon.
"Hoy bilisan niyo dyan! Magsisimula na ang parada! 'wag masyadong paimportante!", sigaw ni coach mula sa labas at kinalampag pa ng malakas ang pinto.
"Bilisan niyo kase, nag-aalburoto na naman ang bulkan", natatawang sabi ni Josh.
"Hayaan niyo 'yang si coach, siya kaya magsuot ng knee pad kong pagkasikip-sikip!", naiinis na saad ni Xander, bestfriend ko.
"Bilisan mo na lang, alam mo naman 'yang si coach", mahina kong saad para tumigil na siya sa kakasalita niya.
Minabuti naming bilisan ang pagpunta sa ground dahil napansin namin ang mga nakapilang estudyante na nakasuot ng iba't ibang kulay na nakabase sa school na nirerepresenta nila, kulay pula ang sa amin.
Sinikap kong hanapin siya, pero gaya ng inaasahan, hindi ko siya nakita. Marahil ay pumirma lang siya sa attendance at pagkatapos, pumunta na sa ilalim ng mangga.
Nang makalapit kami sa kumpol kumpol na estudyante ay agad nila kaming sinalubong ng malakas na sigawan, kaniya-kaniyang fan chants ang naririnig ko.
BINABASA MO ANG
I'm Her Reader
FanfictionSi Khalil ay isang varsity player sa kanilang paaralan, mula highschool ay kilala na siya sa larangan ng basketball dahil sa angking galing nito dito, idagdag mo pa ang maamo at gwapo nitong mukha na talaga namang tinitilian ng karamihan. Pero mayro...