Pawisan ako nang makarating ako sa bahay.Nak ng pating!
Napagtripan pa 'ko ng aso ilang metro ang layo sa bahay nila Grapes. Muntik na 'kong lapain, buti na lang at sanay ako sa pagtakbo tuwing training namin sa basketball kaya easy na lang sa'kin ang mga ganitong sitwasyon.
Isabay mo pa ang adrenaline rush na umiiral sa'kin dahil sa pag-aakalang papapakin ako nang buhay ng asong 'yon kanina.
Nang makabawi ako sa nangyari at umayos na ang paghinga ko, agad na 'kong pumasok sa loob ng bahay.
"Nandito na 'ko!", malakas kong sigaw ang pumuno sa loob ng bahay namin.
"Oh Khalil! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ng kapatid mo, magpapaturo daw ng assignment", sigaw ni mama na ngayon ay nagpupunas ng mesa. Mula kasi dito sa sala ay natatanaw ang kusina maging ang dining area.
"Galing ako kina Tita Apple, nagpadala pa nga ng ulam eh", agad akong dumeretso sa kusina at inilapag sa mesa ang maliit na eco bag na may lamang tupperware.
"Aba, nag-abala pa si Apple", nakangiting saad ni mama.
"Kinakamusta ka nga eh", tipid kong sagot at binalak na kumuha ng isang pirasong manok mula sa ulam namin na nakahain sa mesa, naghahanda na pala si mama para sa hapunan namin.
Natigil sa ere ang kamay ko nang hampasin niya ito.
"Ma!", nabigla ako doon.
"Maghugas ka muna ng kamay mo! Maghapon kang nasa school, paniguradong kung saan saan humawak
'yang madumi mong kamay", istriktang saad niya.Wala na akong nagawa pa kundi sundin ang utos niya.
"Ano ba 'tong niluto ni Apple? Bakit naman durog durog ang karne?", pagrereklamo ni mama habang naglalakad papunta dito sa kinaroroonan ko.
"Bakit mama?", tanong ko.
"Tignan mo oh, durog", nakangiwing saad niya.
Agad ko naman tinignan ang sinigang na pinadala ni Tita Apple.
Maayos ang luto niyan. Peke naman akong tumawa nang mapagtanto ko ang dahilan kung bakit hindi na kaaya-ayang tignan ang ipinadala ni Tita.
"Ano kase ma, maayos naman 'yan kanina."
"Anong kanina?", kunot noong tanong niya.
Si mama talaga! Napakareklamador, imbes na magpasalamat na lang! Mga nanay nga naman oh.
"Hinabol kase ako ng aso sa daan, kaya siguro nabugbog ang mga karne sa loob ng tupperware", mahina kong paliwanag.
"Eh ikaw naman pala ang may kasalanan eh!", hinampas niya pa ako ng marahan sa braso.
"Nandito na 'ko sa bahay!", malakas na sigaw ang namutawi sa loob ng bahay namin, naagaw niyon ang atensyon ni mama.
Nagtatakbo pa palabas ng kusina!
"Honey, nandito ka na pala! Kumusta? Pagod ka ba?", narinig ko ang boses ni mama na nagmumula sa sala.
Corny moments na naman 'yan!
Napapangiwi na lang ako sa tuwing sinasakyan ni papa ang mga banat ni mama na punong puno ng ka-cornyhan.
"Hoy kuya! Anong mukha 'yan?", nagulat ako nang biglang pumasok ang kapatid ko.
"Anong mukha?"
"Mukha mo! Para ka dyang nakakita ng tae! Nakangiwi ka pa dyan!", nagtatakang saad ni Kylie, nakababata kong kapatid.
BINABASA MO ANG
I'm Her Reader
FanfictionSi Khalil ay isang varsity player sa kanilang paaralan, mula highschool ay kilala na siya sa larangan ng basketball dahil sa angking galing nito dito, idagdag mo pa ang maamo at gwapo nitong mukha na talaga namang tinitilian ng karamihan. Pero mayro...