Mabilis akong tumakbo papunta sa school dahil hindi ako pwedeng ma-late ngayon, unang araw ng klase at kailangang magpasikat.College na ako kaya hindi na pwedeng puro lakwatsa na lang ang laman ng utak ko. Hindi na pwedeng pumunta sa kanto para magyaya ng laro, malaki ang responsibilidad ko sa pamilya dahil ako ang bread winner sa'min, kahit naman nagtatrabaho si papa ay alam kong darating ang araw na ako na ang aasahan nila.
Pinili ko ang kursong architecture dahil may talento din ako sa pagguhit, hindi man praktikal na choice, alam kong balang araw ay malaki ang maitutulong nito sa amin. Mahal sa papasukan kong eskwelahan pero maswerte ako dahil isa ako sa mga natanggap na aplikante para sa pa-scholar ni Gov.
Malapit lang naman ang San Pablo University sa bahay namin, sa loob ng sampung minutong paglalakad ay makakarating na ako, pero iba ngayon, dalawang minuto na lang ay magsisimula na ang klase.
Sa kabila ng kabang nararamdaman ko ay nakuha ko pang ngumiti, naalala ko kasi ang dahilan kung bakit ako nalate ng gising.
Mag-aalas dos na ng umaga nang matapos ako sa pagbabasa ng libro, maganda kasi ang takbo ng istorya kaya tinapos ko na.
"Oh Khalil? Bakit tinanghali ka ata?", biglang tanong ni Tita Apple na ina ni Grapes, ang babaeng hinahangaan ko. Nasa tapat na pala ako ng bahay nila at natyambahan kong nagwawalis ng bakuran si Tita.
"Nako Tita, pasensiya na po, babalik na lang po ako mamaya", mabilis na sabi ko at muling tumakbo, hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Tita. Kahit gusto ko siyang kausapin ay hindi maaari, masyado na akong mahuhuli sa klase.
Malapit din kasi ang bahay nila sa school at lagi ko na itong madadaanan kapag papasok ako o di kaya'y uuwi.
Highschool pa lang ako ay nakaramdam na 'ko ng kakaibang feelings para kay Grapes, hindi kami malapit sa isa't isa but our parents are. Hindi ko magawang umamin sa kaniya dahil alam kong wala akong pag-asa, bukod pa rito ay gusto ko siyang protektahan. Hindi sa nagyayabang ako, maraming babae ang humahanga at naghahabol sa akin, alam kong mapapahamak lang siya kapag sinunod ko ang puso ko.
Pabor sa akin ang maglakad araw-araw dahil araw-araw ko ding masisilayan ang mukha niya. Paniguradong makakasabay ko siya lagi. May angking ganda si Grapes, bagay na hindi nakikita ng iba, mas mabuti nang ako lang ang nakakakita nun, para wala akong kaagaw.
"You're late", istriktang sabi sa akin ng isang guro pagpasok ko sa loob ng room namin. Buti na lang alam ko ang room number at sched namin dahil sinend sa'kin kagabi ni Xander na matalik kong kaibigan simula grade school.
"Sorry po", nakayukong sabi ko.
"Forgiven, but I won't tolerate this action Mr. what?", naniningkit niyang saad.
"Khalil Forteza po", magalang na sabi ko.
"I won't tolerate this action Mr. Forteza, sa susunod na mahuli ka pa sa klase ay may kaukulan nang parusa. Please proceed to the vacant seat.", mahigpit niyang sabi.
"Yes po Ma'am", agad na akong pumasok sa loob at tumabi kay Xander dahil doon ang vacant na tinutukoy ni ma'am.
"Bakit ka ba kasi na-late pre?", biglang tanong niya sa'kin.
"Napuyat", simpleng saad ko.
"Ano na namang pinagkapuyatan mo? Chicks ba?"
Hindi ko na nasagot pa ang tanong niya dahil biglang nagsalita ang teacher namin.
"Everyone, ibibigay ko ang student's handbook tomorrow and wait to your next teacher", saad niya at lumabas na. Ganon lang 'yon?
Buti na lang at nakuha ni ma'am ang atensyon naming lahat kaya hindi na din nakapagtanong pa si Xander, mabuti naman.
BINABASA MO ANG
I'm Her Reader
FanfictionSi Khalil ay isang varsity player sa kanilang paaralan, mula highschool ay kilala na siya sa larangan ng basketball dahil sa angking galing nito dito, idagdag mo pa ang maamo at gwapo nitong mukha na talaga namang tinitilian ng karamihan. Pero mayro...