"Yes!", mahinang sigaw ko nang mai-shoot ko ang bola. Dito nakasalalay ang scholarship namin, kailangan kasing matanggap kami sa gaganapin na basketball game para sa intrams at 'pag nangyari 'yon, pipilitin naming ipanalo ang koponan para may chance na kaming makuha bilang varsity player ng school dahil paniguradong ipanlalaban kami sa iba pang school at basketball tournament."Lakas natin pre ah", saad ni Josh.
"G*go free throw pa lang naman", natatawa kong sabi.
"Auto-tanggap ka na nyan pre", sabi niya.
"Nasa kamay ko na ang members per team", malakas na sabi ng basketball coach ng SPU.
Agad kaming lumapit sa kaniya para malaman kung saang team kami kabilang. Ang alam ko ay kung sinong mananalo sa laban, yun na ang kukunin at magiging official player para sa intrams.
"Gonzales, Santos, Manalo, Quijano, Guerrero, Macabenta, Montemayor, Flores, Reyes, Fuentes, Tiangco", pagbanggit niya sa mga surname na kasali sa huling team. Nanlumo ako nang marealize na wala ang apelyido ko doon. Inisa isa ko ang ka-team ni Xander, nakasali pa si Bryan Tiangco, swerte mo!
"Coach? 11 lang po kami", takang sabi nung Macabenta ang apelyido. Lahat kasi kami ay may suot na jersey na with surname sa likod kaya nalaman ko.
"Sorry, Forteza pa pala", sabi ni coach.
Awtomatiko akong napangiti nang makabilang ako sa mga maglalaro.
"Hindi ako kinabahan pre, alam kong makakasama ka", simpleng saad ni Xander.
"Lakas ko naman sa paningin mo", natatawa kong sabi habang inaayos ang hairband sa ulo ko.
Prrrrt!
Nagsimula na ang laro at ramdam ko ang tensyon sa magkabilang koponan. Mukhang desidido ang lahat na manalo kaya ginagalingan ang paglalaro.
"Reyes ipasa mo kay Forteza!", malakas na sigaw ni Xander.
Agad naman itong sinunod ni Reyes pero bigla itong inagaw ni Bryan.
Kumunot ang noo ko habang hinaharangan ang ibang manlalaro na nagtatangkang umagaw sa bola.
"Tiangco kay Forteza! Maluwag kay Forteza!", naiinis na sigaw ni Guerrero pero katulad ng una, hindi nakinig si Bryan. Papansin.
"Go Tiangcooooo!"
"Go Hernandezzzzz!"
"Go Fortezaaaaa!"
Marami-rami na ang tao dito sa court dahil dismissal na ng karamihan, mas lalong ginanahan ang bawat isa nang makarinig sila ng mga cheerer sa mga bleachers.
Kahit apelyido ko ay narinig ko na din.
Malapit nang matapos ang oras at halos dikit ang score. Kung hindi lang buwaya si Bryan ay baka malaki na ang lamang namin sa kabilang team.
Hawak ng kabilang grupo ang bola kaya dapat ako ang makaagaw non, kung si Bryan ay wala na kaming pag-asa, nagiging solo player kapag siya ang mah hawak eh.
Agad kong sinalubong si Hernandez na may hawak ng bola, saktong pag-dribble niya dito ay inagaw ko agad ang bola.
"Go Fortezaaaaa!"
Mabilis kong itinakbo ang bola, dalawang segundo ang natitira, wala akong magagawa kundi ihagis na lang ito at umasang ma-shoot sa ring. Tumigil ang sigawan ng mga estudyante, agad kong inilagay sa magkabilang tuhod ko ang aking mga kamay at naghabol ng hininga.
"Waaaahhhhh! Ang galingggg!"
"Fortezaaaaaa the shooter!"
"Ang galing mo pre!", napaangat ako nang tingin nang tapikin ako ni Xander, pero hindi sa kaniya dumapo ang paningin ko. Si Grapes. Nanonood pala siya? Bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang paningin namin pero agad siyang umiwas ng tingin. Nadismaya ako nang mapansin kong dumapo ang paningin niya sa gilid ko kung nasaan si Bryan.
BINABASA MO ANG
I'm Her Reader
FanfictionSi Khalil ay isang varsity player sa kanilang paaralan, mula highschool ay kilala na siya sa larangan ng basketball dahil sa angking galing nito dito, idagdag mo pa ang maamo at gwapo nitong mukha na talaga namang tinitilian ng karamihan. Pero mayro...