"Alam mo pre? Minsan ko na ding naisip na ligawan 'yang si Herrera, ipapagawa ko mga project ko sa kaniya hahaha", parang napantig ang tenga ko sa sinabi niya.Si Grapes pa talaga ang paglalaruan niya!
"Bobo ka ba?", hindi ko mapigilang lakasan ang boses ko.
"Bakit galit na galit ka dyan?", takang tanong niya
Kailangan kong pigilan ang emosyon ko. Ayoko namang madaliin ang mga bagay bagay, hindi ko alam kung bakit mas gusto kong sinasarili na lang ang pagkagusto ko sa kaniya.
"Masamang paglaruan ang damdamin ng babae pre, mabilis ang karma tandaan mo", sabi ko na lang.
"Akala ko pa naman may gusto ka sa kaniya hahahaha", natatawa niyang saad.
"Asa ka", mariin kong pagtanggi pero ang totoo'y kinakabahan ako. Hindi ko gustong magsinungaling pero mas mabuti na 'to.
"Bayad ko po", literal na napatingin ako sa nagsalita.
Si Grapes. Nakita kong pinasadahan niya ko ng tingin pero agad ding yumuko at piniling tumalikod bago umalis.
"Mukhang narinig tayo pre hahaha", natatawang sabi ni Xander sa tabi ko.
"Tsk", sinungitan ko na lamang siya.
"So ano? Sasali tayonsa try out ng basketball?", tanong niya habang naglalakad kami papunta sa building ng archi.
"Try natin, baka sakaling makuha tayo, malaking opportunity din 'yan", seryoso kong sabi.
Bago pa kami makaakyat sa hagdan ay hinarang kami ng isang grupo ng babae.
"Uhm h-hello", nahihiyang sabi ng sa tingin ko ay leader nila.
"Hello Ms. Beautiful", singit ni Josh habang nakangiti. Babaero talaga!
"Hindi ikaw tsk! Yung kasama mo ang kinakausap ko", nakita ko pa ang pag-irap niya.
"Nako pre, ikaw pala ang tipo", napapahiyang sabi ni Xander.
"Hello pogi, anong name mo?", nakangiting tanong niya. Agad kong pinasadahan ang kabuuan niya, hindi katulad ni Grapes, ang babaeng 'to ay punong-puno ng kolorete sa mukha, hindi ko alam kung ano talaga ang natural niyang hitsura, ang alam kong hanggang tuhod na skirt nila ay ginawa niyang above the knee, nakabukas din ang dalawang butones ng uniform niya kaya lumitaw ang tinatago niya.
Tinanguan ko lamang siya, na-turn off agad ako sa kaniya. Hindi mapapantayan ng kahit sino ang pagkagusto ko kay Grapes.
"Khalil, Khalil ang pangalan niya Ms. Beautiful", kumunot ang noo ko nang si Xander ang sumagot sa tanong niya.
Tinalikuran ko na agad sila dahil ayoko nang makisali sa kanila.
Habang umaakyat ako sa hagdan ay siya namang pagbaba ni Grapes, saan kaya siya pupunta?
Inikot ko ang paningin ko at nang mapagtantong walang masyadong tao ay hinarang ko siya.
"Architecture ka din pala?", pinasigla ko pa ang pagtatanong ko sa kaniya.
Tinitigan niya lamang ako at itinuloy na ang pagbaba niya sa hagdan.
Naiwan akong tulala, natigil lamang nang nagsalita si Xander.
"Uy pre! Bakit mo naman ako iniwan doon? Pinagkaguluhan tuloy ako ng mga girls", saad niya at napakamot pa talaga sa batok niya.
"Hinay hinay sa pambababae", sabi ko na lang at tinuloy ang pag-akyat.
Buti na lang hindi niya napansin ang pagiging tuliro ko dahil paniguradong uulanin ako ng tanong.
Pagdating namin sa room ay saktong pumasok ang teacher namin.
BINABASA MO ANG
I'm Her Reader
FanfictionSi Khalil ay isang varsity player sa kanilang paaralan, mula highschool ay kilala na siya sa larangan ng basketball dahil sa angking galing nito dito, idagdag mo pa ang maamo at gwapo nitong mukha na talaga namang tinitilian ng karamihan. Pero mayro...