Chapter 1.7

47 2 1
                                    

Gabbi's POV
Buti nalang napigilan ko sarili ko kanina, and buti nalang kaya ko parin ipagtanggol sarili ko.

Pero as in literal nakakatawa Yung moment namin Ni Nica kanina, what she wants? She get? Well I don't care, depende Naman Kasi Yun Kung makukuha mo nga ba talaga.

It's recess time, papunta na kami ng canteen nila Ky. Actually pag papunta dun, nadadaanan na yung room nila Ruru.

Nag-uusap, nagtatawanan kami habang naglalakad, hanggang sa madaanan na namin yung Room ni Ruru. Nakita namin siya, pero medyo may paiwas muna Tayo ngayon, Kasi ba Naman....

"Gab, Teka Lang" takbo niya papalapit samin. Ano nanaman ba? Pero syempre di Tayo papahalata, oo, halata Yung pag iwas Kasi di tinigilan.

"Yes?" tanong ko with a smile. That's what you called independent, chour.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya. Oo iniiwasan Kita, Kailangan Kasi na harap harapan pa kanina?

"Hindi ah, bakit naman Kita iiwasan? At may dahilan ba para iwasan Kita?" tanong with a fake laugh. Ang hirap na magkunwari ah.

"Eh bat di mo ko isasabay sa recess? Diba may usapan sabay Tayo magrerecess at maglunch?" napahinto ako sa sinabi niya. Oo nga pala.

"Ahh, sorry abala kami sa pag uusap eh" pagpapalusot ko habang sila Ky ayun nagtatawanan parin sa likod ko. Namissed out ko tuloy Yung pinag uusapan nila.

"Ahh, so ganun? May bago ka Lang na kaibigan kinakalimutan mo na ako?" wahhh!! Di Naman about friendship, it's about Nica, mygoshhh!.

"Ayy grabe, napaka oa mo, Tara na nga!" Sabi ko sabay hila sa kanya.

Dumiretso na kami sa canteen, and as usual umorder, and nag usap usap while eating.

Nica's POV
Well, matatauhan ka rin mamaya Gabbi. Di naman namin kaklase si Ruru, so I can do whatever I want to do to you.

Well this time, nakakahurt na sabay sabay sila nagrerecess at nagtatawanan. I'll make sure tomorrow, di mo na siya kasabay.

"Nica girl, look oh! Super happy nila" Sabi Ni Jane.

"Yup! Kanina ko pa nga sila pinagmamasdan eh!" Sabi ko, then I rolled my eyes.

"So anong balak mo?" tanong Naman ni Pau.

"Later, makakausap ko na si Ruru, Kasi pumayag siya na kausapin ko siya mamaya, and let's see bukas ako na kasabay niyan recess and lunch maging sa uwian" pagmamayabang ko sa kanila. Diba nga Kasi, makukuha ko Kung gusto ko.

"Well, I don't think na Kaya mo kaming kalimutan" goshhh Jane you're so nega.

"Ano ka ba Jane? Syempre isasabay ko din naman Kayo eh" then they smiled, me too kasi shoo shoo Gabbi away to him na.

Ruru's POV
Nandito kami ngayon sa canteen nagtatawanan. Kanina nga akala ko kinalimutan na ako Ni Gab. Wait, may sasabihin nga pala si Bianca mamayang uwian, ano kaya yun?

Yes, Bianca is pretty but di ko pa talaga siya gaanong kakilala. Siguro later pag nag uusap na kami I can use her voice and words to define her characteristics.

"Guys ano Tara na?" tanong Ni Rocco. Yes, we're all done eating.

"Cgi Tara na!" pag aaya naman Ni Gab.

Agad kaming nagsitayuan at dumiretso sa room. As usual hinatid nila ako, then they go Kung Saan sila nakaroom.

Fast Forward, natapos nanaman ang whole day class. Nakita ko sa labas si Nica? Oo nga pala may sasabihin siya. Pero nasan si Gab?

Maya Maya dumaan si Gab nanlaki ang mga mata nung nakita Ni Nica. Agad naman akong lumabas.

"Ah Gab, may sasabihin pa si Nica, Mauna ka na Kung gusto mo" Sabi ko sa kanya. Sabay lingon Naman niya kila Ky at nagbabye. Agad din Naman lumingon sakin.

"Hindi naman Kita isasabay, nagtext si
Tita Eliz susunduin ka daw, ako rin baka nga nandyan na sila Daddy, dumaan lang ako Kasi naiwan mo daw phone mo kaya di mo malalaman na susunduin ka" medyo mahinhin na Sabi niya. Kanina pa to ganto? May problema ba to?

Yeah, kaninang recess she's so hyper Kasi kasama niya sila Ky. Pero pag kaming tatlo Lang iba nanaman mood niya.

"Gab, ayos ka Lang? Kaninang umaga super hinhin mo rin" nakakacurious na kasi. Di naman ako sanay na ganyan siya.

"Ahh, Wala sige Mauna na ako bye!" Sabi niya sabay karipas Ng takbo palayo.

Naiwan naman kami ni Nica dito sa may tapat ng Classroom. Actually kaming Dalawa nalang, Wala na lahat Ng students.

While she's talking, napaka mahinhin then her laugh. Pero napatigil nalang ako dun sa sinabi niya na...

"Ahh, Ruru Kasi ano, crush na Kita matagal na" wait she has a crush on me? Actually kanina pinag usapan namin about that Kay Gab. Sinabi niya na Wala Naman itong problema.

"Crush mo ako matagal na?" Pagpapaulit ko, tumango Naman siya.

"Pero ang hirap na magtago Ng feelings eh, oo sabihin natin na ang awkward Kasi Babae ako pero di Naman natin mapipigilan Yung nararamdaman diba?" Sabi niya. Yes, actually nagkakaroon na rin ako Ng feelings sa kanya now, while she's talking, laughing, and smiling.

"Alam ko Yun, pero I want you to know na may small feelings na ako sayo right now" pag aamin ko. Oo Ang hirap na talaga magtago Ng nararamdaman.

"What do you mean Ruru? You want to enter in my life?" Tama nga ba na papasok ako sa buhay niya?

"Yes" Parang robot ako na di ko Alam ang nasabi ko. Pero siguro this time itry ko na.

"So Tayo na?" masigla niyang tanong. Kita sa mga Mata niya Yung saya. Tumango nalang ako, at niyakap namin Ang isa't Isa.

Yeah, ang awkward dahil siya pa Yung nanligaw diba? Imbes na ako.

Nica's POV
I told you, mapapasakin rin siya. Oh diba umamin ka Lang, may feelings na Rin agad siya sayo. Awkward na Kung awkward, weird na Kung weird pero what I say I gain.

Umuwi na kami ni Ruru dahil sinundo siya nang mama niya. Pinakilala niya Rin agad ako dito.

We also do our rules, na laging magsasabay recess, lunch, uwian. Inisip nga muna niya si Gab, pero nag sink sa utak niya na mas happy si Gab kasama Yung sila Kylie.

"Bes, talaga Kayo na? Ayiieeee!!" sigaw ni Jane, sa kabilang linya. Yes, magkausap kami ngayon trough calls.

"Oo Bes, I think this is my best day ever" Sabi ko namang nakangiti. Well dapat Lang Kasi napasayo na Yung inaasam mo.

"Ikaw na talaga Bes, isipin mo dating tiningnan tingnan at inaasam asam mo Lang, ngayon boyfriend mo na" Sabi niya.

"Well Kayo lang Ang ayaw maniwala na KayA ko makuha lahat Ng gusto ko, Sabi nga diba pag may gusto may paraan pag ayaw may dahilan" Sabi Kong pabalik sa kanya.

"Oh siya, ikaw na talaga, goodbye na Bes tawag pa ako Ni Mama sa baba" Sabi niya. Kaloka tong babaeng to tatawag tawag pero ayos Lang at least Alam na niya.

"Oh cge bye" Sabi ko at bye nalang niya Ang huli Kong narinig bago mapatay nang tuluyan Yung tawag.

The Greatest LoveWhere stories live. Discover now