Chapter 1.15

44 3 4
                                    

Di nagtagal palabas narin kami, Sabi Ng nurse ipahinga ko nalang daw toh. Sa sobrang daming bugbog sa katawan pwede ko siyang ipasuspend or ipakulong. Bakit? Eh bakit siya mambubugbog nang Wala akong ginagawang masama? Ni Hindi ko nga siya kilala eh.

Nandito na kami ngayon sa hallway palabas ng gate, eh ako iika-ika dahil di ko kaya.

"Akin na nga yang bag mo para di ka na mahirapan" Sabi Ni Gab, habang alalay ako sa paglalakad.

"Hindi wag na, kaya ko na tsaka malapit na oh, upo nalang muna Tayo Jan sa may bench para maayos" Sabi ko. Syempre nakakahiya Noh? Siya na nga naalalay sakin siya pa pagbubuhatin ko Ng gamit, eh ako nga dapat nagdadala ng gamit niya, Kasi Babae siya.

"Sigurado ka ah" Sabi niya, tumango nalang ako at dumiretso na kami dun sa may bench malapit sa gate. Parang di pa yata ako makakapasok bukas ah.

"Maupo ka nalang muna jan, ako na Maghihintay kila tita sa Labas" Sabi niya. At lumabas. Bakit pa Kasi nangyari toh?

Jusko Lord, Kung di dumating si Gab kanina siguro katapusan ko na ngayon. Ang bilis nang mga kamay sa pagsuntok eh. Buti di malala nangyari, nagkasprain Lang ako dahil sa pag upo ko kanina, naupuan ko paa ko.

Buti nalang may angel na sumalo sakin kanina, I'm lucky that she's my best friend.

"Oh hijo anong nangyari sayo?" tanong Ni Mama, habang nagmamadaling lumapit sakin. Napatingin nalang ako Kay Gab, dahil Hindi ko Alam sasabihin ko. Magagalit Lalo si Mama, pag nalaman na nakisuntok din ako.

"Ma, isasabay natin si Gab ngayon ah" tanging nasabi ko. Ni Yung sagot ni Mama di ko masagot.

"Oo Naman anak, eh ano nga ba talagang nangyari sayo? Jusko PO, wag sanang patawarin ang gumawa sayo nito" alalang alala na sambit Ni Mama.

"Ah tita, ako na PO magpapaliwanag, pero mas mabuti pong sa loob nalang Ng kotse" that's my angel who I telling lately.

"Oh cge hija, Chris patulong Naman dito sa anak mo oh" habang si dad NASA labas, Tinatanong Yung guard tungkol sa mga nangyari, eh Wala ring naisagot ung guard.

"Cge tita, ako na PO bahala sa gamit niya" agad Naman nila akong inalalayan papasok Ng kotse at sumunod narin si Gab.

"Sino ba Yung mga bumugbog sayo?" tanong Ni Dad, buti nalang nandito siya.

"Ah ganto PO Kasi, nagpahintay PO ako Kay Ruru kasi commute Lang dapat PO ako ngayon, eh ang Sabi niya hintayin niya Lang ako sa may court, then after the whole time uwian na pinuntahan ko na PO siya sa may court nakita ko nalang pong nakaupo siya habang pinalilibutan ng mga studyante din PO, pero Ni Isa sa kanila Hindi ko kilala pero tanda ko PO Yung mukha, KayA Tita, Tito, Ruru sorry" pagpapaliwanag Ni Gab. Lagi nalang niya ako pinagtatakpan sa parents ko, Isa pa last Saturday nung nahiwa siya.

"No Gab, don't be sorry super thankful nga ako dumating ka eh kundi tapos na Yung buhay ko ngayon" Sabi ko.

"And it's not your fault hija" dugtong pa Ni Mama.

"It's me po, kasi kung di nalang ako nagpahintay kay Ruru, edi sana di siya pagsasamantalahan ng mga Yun, di aabot sa ganito, I'm sorry po talaga" Wala Naman siyang kasalanan pero siya Yung nahingi Ng sorry.

"No Gab, kasalanan nila Ito kaya Wala kang dapat ihingi Ng sorry" naguiguilty na Rin ako.

"Thank you hija, dahil to the rescue ka" Sabi Naman ni Dad, habang nagmamaneho.

"Wala po Yun Tito, best friend ko Naman PO Ito eh" sabi Naman ni Gab.

"Buti nalang, ikaw Yung naging kaibigan Ng anak namin sayang lang di umabot ng Magka-ibigan" panunukso pa Ni Mama.

The Greatest LoveWhere stories live. Discover now