➷⁺&.& AA
"I want to live. I want to see the world too. Is that a sin?"
Napakurap ako. Bumangon ako at lumabas ng bahay ng gabing iyon. Unang gabi namin sa lumang hacienda na kakabili ng aking ama. Naisipan kong lumanghap ng sariwang hangin sa may gazebo.
Nakatayo ako nun at nakatitig sa kawalan nang may nakita akong mansion. Hindi ko nakita yun kanina. Ang alam ko lang ay ang kubo at malaking bahay na may dalawang palapag ang meron dito. Di ko alam na meron pa pala neto.
Maliwanag ang kabahayan. Bukas lahat ng ilaw at tumatakas ito sa bintana ng mansion. Ngunit, ang liwanag neto ay hanggang doon lamang sa mismong kinatatayuan ng bahay at di lalampas dito. Kasunod ay dilim na hanggang sa kinatatayuan ko.
Napasinghap ako nang may nakita akong bata. Papalapit siya sakin, walang kahit anong suot. Sa tanya ko e kasing laki niya lang ang mga bagong sanggol- pero bakit?
Napaatras ako nang mawala ang mansion. Nalingat lang ako saglit ay nasa paanan ko na ang bata kaya naman napaupo ako at sisigaw na sana kaso napatitig ako sa mga mata niya.
Sobrang amo niya ngunit puno ito ng lungkot.
"Wag mo kong sasaktan..."
"Ikaw ba ang mama ko?"
"Ha? H-hindi.."
"Hindi mo ba talaga ako anak?"
"Hindi..te-"
"Ganoon rin ang sinabi mo noon, hindi mo ba naaalala?"
"Hindi ko siya anak! Alisin niyo siya sakin! Ayuko dito! Ayuko sa kanya!"
Naahimik lang ako. Di ako makapagsalita. Gusto ko siyang pakinggan. Nawala ang takot ko na kanina ay bumabalot sa dibdib ko bagkus napalitan eto ng awa sa baby na kaharap ko.
"Anong dapat kong itawag sayo? Gusto ko rin maranasan maging anak, kaya pwede bang inay? Pwede bang mama? O mommy? Alin sa tatlo? O baka meron kang pangarap na gustong itawag sayo ng magiging anak mo?"
"Ma..mama. Tawagin mo kong mama," wala sa loob na sambit ko. "Anong pangalan mo?" dagdag na tanong ko.
Umiling siya.
"Wala akong pangalan. Wala akong pagkakakilanlan. Hindi mo ba naaalala? Hindi mo ako binigyan ng pangalan, ni hindi mo ako hinayaang mabuhay, hindi mo ko hinayaang maranasang imulat ang mga mata ko."
"Iiyak yung unang iyak ko."
"Maramdaman ang unang yakap at unang halik mo sa noo ko."
"Ang tawaging mahal at masayang ipakilala sa mga tao."
"Sino ako? Wala- isa akong hindi kanais-nais na bunga. Isang pinagkaitang mabuhay kahit wala akong kasalanan sa kamalian ng aking ama. Isang sanggol na hindi man lang naging anak."
"Sino ako? Isang sanggol na walang pangalan."
"Hindi man lang natutong ngumiti at tumawa.
"Hindi man lang natutong tawagin kang mama."
"Hindi man lang natutong gumapang hanggang sa humakbang at madapa."
"Bakit mo ko pinagkaitan, mama? Bakit inalisan mo ko ng buhay na dapat ay akin naman?"
" I want to live. I want to see the world too. Is that a sin?"
"Am I not allowed to live? Galit ka ba sa bumaboy sayo o galit ka sakin dahil ipinapaalala ko yun sayo?"
"I'm sorry.." yun lang ang pawang nasambit ko bago siya nawala sa harapan ko.
Di ko napigilan ang pagpatak ng luha ko ng gabing iyon. Hindi ko maiwan-iwan ang kinauupuan ko. Ang kaninang madilim na paligid ko ay binigyang liwanag ng buwan.
Ꮏhe end.
[Fiction of Azerain Avreia.]Please leave a vote before you proceed to the next chapter 🦋
(CTTRO)🍒