➷⁺&.& AA
My mom asked me when I was four years old.
"Baby, do you have a dream?"
I shook my head and said, " Nothing, because I'm contented. I have you."
She smiled and patted my head. I hugged her.
"Hena, you should have a dream- your own dream, maliit man o malaki."
Di na ako sumagot. Siniksik ko ang sarili ko sa kanya.
I was five years old back then. I started going to school. My mom never missed a day, lagi siyang nasa tabi ko. Lagi ko siyang kasama pagpasok. Hinahatid niya ako, naghihintay siya sa labas, pinapanuod niya ako.
Agad siyang tatayo kapag food break na namin. Lalapitan niya ako at sasabihan ng kumain.
"Thank you," I mouthed.
Magana akong kumakain. Masaya ako. Masaya ako kasi kasama ko si mama, not until my classmate asked.
"Hi Hena."
"Hi."
"I never saw your mom, she never showed up here in our school. Where is she?"
Nilingon ko si mom. I saw sadness on her eyes.
"She's with me."
Nangunot ang noo ng kaklase ko but I ignored her and continue eating.
Uwian na. Naglalakad kami ni mom. Magkatabi kaming dalawa, I'm smiling while she's singing my favorite song.
"Mom.."
"Uhm?"
"Mom, I- now have a dream."
"Ano yun?" She gladly smiled on me.
"Mom, I want to be your daughter and want you to be my mom."
"Anak kita, mom mo ako- yun naman tayo?"
"Yeah. But I want you for real. That's my dream. I want to see you- the living you and not my imagination. Gusto kong maranasang maging anak- for real."
Nakinig lang siya sakin.
" Gusto po kitang hawakan, gaya ng ibang bata sa ma nanay nila. Hawak-kamay habang naglalakad."
" Nayayakap ka, yung mahigpit. Sobrang higpit. Yung yakap na di ko sa unan ipinaparamdam. Yung yakap na mararamdaman ko rin."
" Gusto ko pong ipagluto mo rin ako gaya ng ginagawa ng ibang nanay sa anak nila. Yung tatakbo ako sayo habang naghihintay kang makalapit ako, tapos sasabihin kong-Ma, chapseuy ulam natin ha? Gusto ko yun."
"Gusto ko pong maranasan lahat yun. Lahat ng ginagawa ng isang ina sa isang anak, ng isang ina habang nandyan o wala yung anak nila. Gusto ko pong maranasang mahalin ng isang ina."
"Mom, my dream is to have a mother. Kung sana di ka nawala- then you'll not be an imaginary mom na pwedeng mawala pagtanda ko."
Di ko napigilang tumulo ang luha ko. Nilingon ko ang mom ko, she's smiling sadly at unti-unting nabubura sa harapan ko.
Ꮏhe end.
[Fiction by Azerain Avreia]Please leave a vote before you proceed to the next chapter 🦋
(CTTRO)🍒