➷⁺&.& AA
“Mama...papa...”
Iyak ng iyak ang walong taong gulang na si Toffy. Duguang nakaupo sa gitna ng kama niya habang yakap ang kanyang sarili. Napapalibutan ng mainit at naglalagablab na apoy, habang ang mga magulang niya ay nakahadusay— duguan at walang buhay.
Mulat ang mata ng kanyang ina. Mababakas mo ang tuyong luha sa kanyang pisngi at kakaibang eskpresyon sa kanyang mga mata. Samantala, ang kanyang ama na nakatabi ang bangkay sa kanyang ina— pikit ang mga mata nito at nakadapa.
“Ano pang naaalala mo? Nakita mo ba kung sino ang gumawa?” Tanong ng doctor sa kanyang pasyente— kay Toffy.
Saglit na katahimikan. Hinihintay ng doctor ang sagot ng nakayukong dalaga. Kumibot ang gilid ng labi nito.
“...hindi ko alam. Nagising ako— natutulog ako nun. Mainit—sobrang init ng pakiramdam ko. Nagmulat ako. May sunog...”
Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata ni Toffy. Nanginginig sa takot ang mga kamay niya. Maging ang paa niya ay naging malikot dahil sa pangangatal.
“T-tapos...nakita ko sila, wala na silang buhay...wala na—” nauutal na sambit niya dahil sa paghikbi. Huminto siya sa pagsasalita. Nagtaas siya ng tingin. Walang tigil sa pagbuhos ang luha niya nang bigla siyang ngumiti sa doctor at tumawa.
“Akala mo ba hindi niya kilala kung sino talaga ang pumatay sa kanila?” Ngumisi si Toffy at tumawa ng tumawa. Tumayo sya at binagsak ang mga palad niya sa lamesa, nilapit niya ang mukha niya sa doctor na nakaupo lang at nakikinig sa kanya.
“Pinatay ni Toffy ang mga magulang niya. Nagmakaawa sila pero dahil —”
Napahinto siya sa pagsasalita. Pinilig niya ang ulo niya at sinabunutan ang sarili.
“Ahhhh! Tama na! Ayuko na! Umalis ka na!”
Naupo siya sa sahig habang sinasabunutan ang sarili niya. Tila rinding-rindi na siya sa mga boses na siya lang ang nakakarinig.
Nagbagong muli ang timpla ng ekpresyon niya sa mukha. Binitawan niya ang sarili.
“Pinagbibintangan mo ba ako? Sinasabi mo bang ako ang pumatay sa magulang mo?” Singhal niya na para bang may kaharap siya.
“Ahhh!” irit niya.
Tumayo siya. Pumatong siya sa upuan at umakyat sa lamesa. Sinunggaban niya ang doctor. Sinakal niya ito.
“Papatayin kita! Mamatay ka na! Dapat sayo mamatay rin gaya nila. Papatayin din kita!“ Nanlilisik ang mga matang sambit niya.
Pilit inaalis ng doctor ang kamay ng bata sa leeg niya ngunit tila may sanib ito sa lakas ng pwersa nito. Maya-maya pa ay nang lumuwag ang pagkakasakal ni Toffy, kinuha niya ang pagkakataon para naalis ang kamay ng bata.
“T-Toffy...magkaibigan tayo diba? Makinig ka sakin.”
Tila naman natauhan si Toffy sa nagawa. Napaiyak siya nang mapagtantong nakasakit na naman siya.
“S-Sorry po..”
Bumaba siya sa lamesa. Tumayo siya at nakayuko habang humihingi ng tawad. Nakahinga ng maluwag ang doctor niya at naupo ng ayos.
Ngunit biglang humalakhak si Toffy.
“Hangal ka!”
Mabilis na kinuha niya ang vase na nakapatong sa lamesa. Umakyat siya sa lamesa at buong pwersang inihampas niya ang vase sa ulo ng doctor. Paulit-ulit hanggang sa mabasag ng tuluyan ang vase.
“Mamatay ka!”
“T-tama na...”
Pilit pa sanang tatayo ang nanghihina at duguang doctor ng mabilis siyang bumaba sa lamesa at pumulot ng piraso ng basag na vase. Pagkatapos ay ginilitan niya sa leeg ang doctor at paulit-ulit na sinaksak to sa leeg.
Binalot na naman ng dugo si Toffy. Nanginginig ang mga kamay niya at nanlalaki ang mga mata dahil sa nakita niya.
Binitawan niya agad ang piraso ng basag na vase. Naupo siya sa sahig at niyakap ang aarili.
“Tama na...ayuko na. Wag mo na akong gamitin...tama na,” pagmamakaawa niya na para bang may iba pa siyang kasama.
“Bakit Toffy— ayaw mo na ba ng kalaro? Gusto mo na rin bang mamatay?”
Takot na umiling si Toffy sa sariling litanya niya. Sinakop na siya ng brutal na pagkatao niya.
Ꮏhe end.
Psychopath Fiction
[Fiction by Azerain Avreia]Please leave a vote before you proceed to the next chapter 🦋
(CTTRO)🍒