10:00 Goodbye

11 2 1
                                    

➷⁺&.& AA

“Gamiyaaa!”

     Napakamot ako sa ulo dahil sa kaibigan kong sobrang liit ng boses. Nagtinginan tuloy yung mga tao sa hallway dahil sa pagtawag niya sakin.

“Ano ka ba Cysel, nakakahiya ka talaga!“ biro ko sa kanya at hinigit siya paupo.

“Bakit ba ha? Masama bang tawagin ko ang kaibigan ko?” Mataray niyang tanong at nilingon ang mga dumadaan sa hallway.

“Hoy kayo!" Sigaw niya sabag duro sa kanila. Ibinababa ko naman ang kamay niya pero pilit niyabg itinataas kaya naman  nagtakip ako ng mukha.

“Walang masama na tawagin ko ang kaibigan ko diba? Proud ako na kaibigan ko to!“ sambit niya at umakbay sakin.

     Napangiti ako kahit na nahihiya ako sa kalokahan ng kaibigan ko.

   Habang nabubuhay tayo, gumagawa tayo ng mga makakasama natin— mapadalawa, grupo man o kahit isa lang. I am one of those flowers that blooms with lots of other flowers. Hindi ako mag-isa, at hindi lang iisa ang kasama kong mamukadkad. I have my family, I have my friends Rica, Kenta and my the best of the best Cysel.

“Hoi mga babae antagal niyo ha!” singhal ni Cysel kanila Kenta at Rica.

  "Pwede umupo muna bago pagalitan? Bhie, pinaglinis kami ng lahat ng cr— sana maranasan mo rin," saad ni Kenta at umirap.

“Aww wawa naman tong campus janitress namin,” pang-aasar ni Cysel habang tinatapik-tapik ang balikat ni Kenta. "Payakap nga baby,”dagdag niya pa. Sinampal siya sa noo ni Kenta dahilan para magtawanan kami.

   Ang swerte ko kasi meron akong sila. Masasabi kong isa ako sa mga bulaklak which bloomed beautifully.

     “Campus janitress amp! Hoi sinasabi ko sayo balang-araw kakailanganin mo ko kasi ako ay isang kilalang pinakamagaling na abogado! Who you ka sakin!”

    “Wow antaas ng pangarap, kulang na lang lumipad Kenta ah!” pang-aasar muli ni Cysel at tumawa.

   “Tse! Don't worry, di kita kakalimutan. I'll hire you as one of my maids kasi I know na kailangan ko nun someday.”

  “Maids?”

Kenta crossed her arms and raised her eyebrows.

“Hoy! Pag ako naging piloto bawal ka sumakay sa eroplano ko o sa kahit anong eroplano!”

“Weh? Walang ganon—”

“Meron! Ako! Pag nakita lang kita na sumakay sa eroplano na ako ang piloto,ilalaglag kita mula langit papunta bermuda triangle!”

  Napailing na lang kami ni Rica.

  "Ikaw Gami, anong gusto mo?” Nakangiting tanong sakin ni Rica. Dumikit naman sakin si Kenta at Cysel.

  “Hmm, ako na lang Presidente ng Pilipinas.”

   Binatukan naman ako ng dalawang sira.

    I miss those days. Miss ko na yung mga asaran, kwentuhan, kulitan— yung mga araw na kasama ko sila. Miss ko na yung nga araw na hawak ko sila, yakap ko sila, kabatukan ko sila. Miss ko na sila.

   “Gami...”

   “Andaya— mangiiwan!”

   “Hoy bumangon ka dyan! May presidente bang patulog-tulog lang? Wala ka pa lang kwentang Presidente! Hinding-hindi kita iboboto!“

    Wala akong magawa. Di ko sila mapatahan. Di ko sila mayakap. Di ko man lang masabi na, wag na kayong umiyak.

   “Pano pa kita madadala sa iba't-ibang bansa? Sabi mo ikaw magiging unang pasahero ko.“

    Di ko mapigilan ang bawat pagtakas ng luha sa mga mata ko.

   'Cysel...andito ako. Nasa tabi mo ako. Di ko kayo iniwan— di kita iiwan.'

  “Cysel, hija...uwi na tayo anak.”

   “Mom, I want to be with her. Can I go with her..please.”

  “Tumigil ka Cysel! Tingin mo ba matutuwa si Gami niyan? Umayos ka! Hindi na siya nabubuhay but at least live for her! Live for yourself! Kailangan niya yung taong mabubuhay para sa kanya, yung tutupad ng mga pangarap niyo kahit wala na siya.” umiiyak na sambit ni Tito at niyakap si Cysel.

   “Dad, how can I be called as pilot kung wala ang pasahero ko?”

“You have her— your cousin will always be with you.”

   I'm sorry.

   “Death time, 10:00 am. October 1, 2000."

    Why do I have to be a beautiful flower? Why do I bloomed to early then falls too early, too? Bakit kailangang katulad ako ng mga pang-10:00 nq bulaklak, yung tipong pagsapit mismo ng alas-diyes, papatak na ako sa lupa?
  
   Why do I have to fall for the others to bloom the next 10:00? Bakit kailangang ganon, bakit kailangan kong mang-iwan at may maiwan? Can I be the leaves that stay longer than the flowers? Kung pwede, then let me be it.

  Ꮏhe end.
[Fiction of Azerain Avreia.]

Please leave a vote before you proceed to the next chapter 🦋

(CTTRO)🍒

One- shot StoriesWhere stories live. Discover now