JOURNEY 10

30 3 51
                                    

Chapter 10

Plan

"Who are you first?"

"H-hindi mo na ako kilala?" Nagaalinlangan kong tanong sakanya. Umawang pa ang labi ko.

Umiling siya kaya lalo akong napanghinaan ng loob. Kung hindi niya ako kilala kahit off cam na, paano niya akong matutulungan?

"No, I know what you're thinking. Of course I know you. What I mean is para sa'yo... sino ka? Narizz or Narizzalyn?"

Napakurap kurap ako sa sinabi niya at muling tumingin sakanya. Nabuhayan ako bigla doon. Pero hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.

"Come on, you have to choose," inip niyang sinabi kaya naman napahinga ako nang malalim bago sumagot sakanya.

"I am... Narizzalyn," mabagal kong sinabi.

Slowly, from his serious face a small smile grew on his face.

"Good, you've finally accepted who you really are. So... hindi mo na naiisip na ginagamitan kita ng majic tricks or such?"

Nahiya naman ako sa sinabi niya kaya napayuko ako. Kakainis naman, talagang hindi niya pa rin pala nakakalimutan iyon.

"Leon, I'm sorry ulit talaga," I sincerely said at sinalubong pa ang mga mata niya. "Now I know kung bakit tinutulungan mo ako."

Humalukipkip siya. "Bakit nga ba?" Amused niyang tanong.

"Dahil concern citizen ka? Sino pa ba ang magtutulungan kung 'di tayong mga taga real world lang?"

Nawala ang ngiti niya sa isinagot ko at biglang napasimangot.

"Bakit?" Kuryoso kong tanong dahil sa naging reaksyon niya.

"Nothing," iling niya naman at mabilis na suminghap. "So, what's your plan?"

Ano nga ba ang plano ko? Paano ako magpaplano kung malabo pa sa akin kung bakit ako nandito? At wala pa akong gaanong memory.

"Gusto ko muna ng mga kasagutan sa tanong ko or gumugulo pa sa akin."

"Okay... so what is it?" Tinanggal na niya ang pagkakahalukipkip niya at nilipat ang kamay sa bulsa.

Confident na confident siya ah? Halatang maraming nalalaman.

"Bakit wala na 'yung memory ni Narizz sa akin? Noong una natatandaan ko pa naman?"

Hindi siya agad sumagot. Naglakad lakad siya kaya naman sinundan ko siya. "The moment you woke up, mararamdaman mo nalang na parang dalawa kayo sa isang katawan, pero pansamantala lang iyon. Nasabi ko na sa iyo ito 'diba?"

Tumango ako nang nilingon niya ako. At hindi na ako nagsalita nang magpatuloy siya.

"And it is the start that you will remember your memories in real world. Everytime na makakaalala ka, mawawala na ang isip at personality ni Narizz diyan sa katawan na iyan at mapapalitan na iyon ng sa iyo. It will only appear when you are on camera just to deliver Narizz lines. Like an actress."

My mouth turned round and nodded.

"So... may tanong ka pa?"

Tumango ako nang may maalala. "Pa'no mo naman nalaman na story lang ang kung nasaan tayo ngayon?"

"Because as soon as I came here I already regained my real memories. At magmula nang mapansin kita na parang nagtataka ka sa nangyayari sa paligid, naramdaman kong galing ka rin sa mundo ko. And, I know you that's why I recognized you. Your real name was Narizzalyn Yvonne Magpantal."

Parang nag echo naman sa akin ang pangalan na iyon. Ramdam ko kaagad na pangalan ko iyon. Yeah, it's me. Why did you forget your name Riz?

Tumingin ulit ako kay Leon at ngumiti. "Thank you for answering all my questions, Leon. Kung wala ka baka tuluyan na akong nabaliw."

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon