CHAPTER 1

558 30 2
                                    

NATHALIE'S POV

(kringgg kringgg)
*boggshh!*
Aishh!
"Fck queen what's that?" Amethys shouted, haist tinapon ko lang naman yung pakening alarm clock panira ng tulog!

"Nothing, what time is it?" i asked while yawning.

"7:30 queen, hintay ka namin sa baba." sagot naman ni diamond. Huh? why?

"Why?" Nagtataka kong tanong

" It's our 1st day of school Queen." sagot ni amethys, haist oo nga pala.

"Ok, wait for me."  saad ko at bumaba na sila, naligo na ako at nagbihis. Nag-ayos na din ako ng pang nerd naka ayos na din kasi yung dalawa. I put some concealer on my right wrist just to hide my tatoo symbolizes as a Gangster Queen. Mahirap na, Diko pa naman nasisimulan ang plano ko mabubuko na ko syempre mag eenjoy muna ako no. Chaka alam kong may mga gangster din sa school ko, gangster na nag hahanap saakin tsk dinga nila alam ang mukha ko e, pero kahit na kailangang mag ingat. Oh right, We're going to study at my school, my OWN school. Natapos akong mag-ayos dina ko kumain baka malate pa kami, Nag dala kami ng mga gamit para ilagay sa isang bahay namin malapit lang sa school, para kung may magtaka or sumunod samin, dun kami uuwi.

Nandito na kami sa labas ng school, nagpahatid kami kay butler max, Hindi na kami mag papasundo sa kanya may motor naman kami sa secret parking lot namin e.

So ayun pumasok na kami, as usual alam kong mag bubulungan ang mga stupidents dito as if i care, tsk. Dumiretcho na kaming Dean's office which is si Kuya Wayne, Pinsan namin, nginitian nya ako at nag nod naman ako sa kanya. Alam nyang naka disguise kami sinabi na nila dad, binigay nya ang schedule namin.
 
Nakarating kami sa Room, kumatok naman si Amethys, binuksan naman agad ni maam.

"Transferies?" tanong nya tinignan pa kami mula ulo hanggang paa, tusukin ko mata nito e.

"Yes maam" Sagot ni Diamond.

"Come in" saad ni maam

"Introduction please." saad ni maam

nauna na si amethys "Hi everyone, I'm Nicole Torres, 18 years old." -Amethys

" Annyeonghaseyo, Sophia cruz-ibnida! 18 years old" Masiglang saad ni Diamond. Tsk.

"Kim acosta, 18." Maikli kong saad gamit ang pinakamalamig kong boses.

"Y-you may T-take your s-sit" utal na saad ni maam.

"Hindi muna ako magtuturo dahil 1st day of school palang naman, but i like you to know eachother para naman may maging kaibigan kayo o kakilala man lang." Mahabang pagpapaliwanag ni maam

"Class dismiss" saad pa ni maam

Hinintay namin silang lumabas, ng makalabas na sila lumabas na kami para kumain nagutom din ako ah, di kasi ako nag almusal.

"Ako na oorder" prisenta ni Sophia/Diamond

"Spaghetti with pineapple juice please" saad ni Nicole/Amethys nag puppy eyes pa amp, Nginitian naman sya ni Sophia.

"Sayo Qu-Kim?" haist, muntik na sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Carbonara, chocolate cake, fries, Juice".
Sagot ko naman. Gutom talaga ako e.

"Ok" Saad nya at umalis

Inilabas ko nalang ang phone ko at nag Twitter. Pinost ko ang picture ko nung nasa airplane ako at nilagyan ng caption "Damn"
Nakaipon kaagad ako ng 20k+ likes, Bukod sa Mafia queen at Gangster queen, Im a model, Kaya Famous ako.

Tinago ko na ang phone ko kase dumating na si Sophia. Bat nakabusangot to?

"Bat ganyan muka mo? tanong ni Nicole Tinignan ko lang din sya

Bumuntong hininga muna sya bago sumagot "E kase bwiset yung lalaking yun oh" sabay turo sa lalaki "Siningitan ako sa pila" saad nya sabay nag pout.

"You look like an Ugly duckling" saad ko habang hinahalo ang carbonara ko nakita ko naman na sinamaan nya ko ng tingin.

"I'm stating the fact" saad ko ni hindi ko man lang sila tinatapunan ng tingin nagugutom na talaga ako.

"Wala ba kayong balak kumain? saad ko gamit ang malamig at sikat kong boses.

Nagsimula naman silang kumain ng biglang may naramdaman akong paparating na matulis na bagay sa direksyon namin. Agad ko naman itong nasalo at tumingin sa nag bato nito, kitang kita ang pagka-gulat sa mga muka ng bawat estudyante at dun mismo sa nambato. Nginisian ko lang ito at napa lunok sya, tsk weak.

ANDREW'S POV

Hi guys! I'm Andrew Khael Montero 18 years old, Gwapo, cold, matangkad, matalino, At Rank 2 ang grupo namin sa Underground.
Kapatid ng Ka-gang namin ang may ari ng University nato kaya dito namin napiling mag-aral.

So yun tinamad kaming pumasok sa 1st Sub kaya Andito kami sa likod ng school which is merong tree house dito kami tumatambay si Nathan ang nag pagawa nito para daw may tambayan kami.

"Bro tara cantene!" masiglang saad ni JC
*John Cyrus* Kagang namin tong patay gutom nato magaling makipaglaban to sya ang hacker namin, magaling din mag ml.

"Patay gutom! kakakain lang natin sa mansion tas kakain ka nanaman! saad ni Jerome, *Jerome Ian Cabroso* Kagang din namin, Apat kami sa gang at ako ang leader, ako din ang mafia king, btw, Si jerome mahilig sa libro, matalino, gwapo.

Nag pout naman si Jc, haist isip bata talaga.

"Let's go" saad ko at inayos ang gamit

Nakita ko namang sumigla ang muka ni JC.

Naglalakad kami sa hallway, nakakarindi yung mga babae dito lagi nalang.

Nakarating kami sa cantene may sumagi sa tingin ko teka? Nerds? pano nakapasok yan dito? Napaisip naman ako mapagtripan nga.

"Dagger" saad ko kay Jerome inilahad ko ang kamay ko habang nakatingin parin sa nerd.

"Why?, may kalaban ba?" natatarantang saad ni JC haha, tukmol.

"May pagti-tripan lang." saad ko at ngumisi
binigyan nya naman ako ng dagger at binato dun sa nerd..

Whatt??!

"Wow!" manghang bulong ni JC

Tumingin naman si nerd at nginisian ako, nakakabakla pero nakakatakot. Iba yung nakikita ko sa mata nya.

Who's that nerd?...

To be Continue.

Annyeong! this is the chapter 1 of my 1st Story, hope you like it!

Vote and Comment your feedbacks!😊

Thank you For reading!

Sorry for Typos & Grammatical Errors.

Secret Gangster QueenWhere stories live. Discover now