Dapit hapon.

6 0 0
                                    

Oras na nakakapanghina,
Papalapit na sa susunod na pahina.
Dapit hapon ang pinaka ligtas,
Sa mga nararamdaman mong di maipintas.

Habang nakatingin sa palubog na araw,
Wala nang kahit anong nakakasilaw.
Uunti-unti nang kakainin ng dilim.
Ang isip mong tahimik at malalim.

Nagising ako kaninang umaga,
Ang nararamdaman ko sayo ay iba na.
Kasing init ng araw kaninang tanghali,
Ang nararamdamang di mawari.

Kasabay ng pag lubog ng araw,
Sa yong mga tingi'y di na natutunaw.
Paligid ay unti-unting tumatahimik,
Aalis nalang ba ko ng walang imik?

Naalala mo ang sabi ko sayo noon?
Pag pumikit ka ay madilim diba?
Ganyan ang buhay ko kapag wala ka.
Pero, bat parang nag iba na ngayon?

Dapit hapon ay matatapos na,
Doon na tayo sa susunod na kabanata,
Wala paring pagbabago sinta,
Patuloy parin ang luha sa mata.

SA WAKAS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon