Sa Kasikatan ng Araw

8 0 0
                                    

Kasing tingkad ng sinag ng araw,
Ang iyong mga ngiting nakakalusaw.
Nagising ako kaninang umaga.
Na tila ba wala na ang iyong halaga.

Kasing init ng tanghaling tapat,
Ang pagmamahal ko sayong lubos pa sa sapat.
Nagising ako kaninang umaga,
Nag laho iyon na parang bula.

Kasing alinsangan ng Panahon,
Ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam na ako'y bibitaw.
Sa ideya na merong ako at ikaw.

Ano nga ba ang nangyari?
Parang dati ay ikaw pa ang nag hahari.
Sa puso kong nakakulong,
Na lagi ang pangalan mo ang binubulong.

Nagising kaninang umaga,
Wala nang nararamdaman para sayo sinta.
Akala ko'y mag babago pag dating ng tanghali,
Pero ba't parang walang nag babago sa huli.

Tatapusin muna ang tulang ito,
Mag iisip at mag mumuni-muni.
Mga luhang umpisa nang tumutulo,
Damdaming tila hindi na nakasindi.

SA WAKAS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon