Panaginip.

4 0 0
                                    

Masayang mag kahawak kamay,
Mga tawanang walang humpay.
Isang paligid na napaka saya.
Ikaw, ako, tayong dalawa.

Mga ngiti sa iyong labi,
Habang tayo ay nakaupo sa isang tabi.
Higpit ng yakap mo ay aking nadarama.
Masaya ako ngayon sa piling mo sinta.

Maganda ang araw ngayon,
Nakakatuwa kasi ang panahon ay nakikiayon.
Habang nakadantay ako sayo mahal,
Ika'y bumubulong at tila nag dadasal.

Napaka lambing at maganda mong tinig.
Aki'y unti-unting naririnig.
Mga musika mong taglay,
Lunas sa mga araw kong malulumbay.

Masaya akong ganito tayo,
Merong lang ay ikaw at ako.
Sana ang araw na to ay di matapos,
Dahil ang pag mamahal ko sayo ay lubos.

Unti-unting nag didilim ang paligid,
Mga da'ay kumikitid.
Hahawakan sana ang iyong kamay,
Pero bat parang bigla kang humiwalay?

Isang paligid na masaya?
Bat nag laho at naiwan ako mag-isa?
Nakita kita sa malayo, masaya.
Ngiti'y hanggang langit, at kasama'y iba.

Tumingin ako sa paligid,
Ano bang nais nitong ipabatid?
Mga luha'y unti-unti nang namumuo.
Nadudurog na ang puso'y dating Buo.

Ika'y lumapit sakin na may ngiti sa labi.
Mga mata saki'y nakatingin sabay sabi,
" Salamat sa lahat, salamat kaibigan."
Limang salita, na sobrang sakit pakinggan.

Kaibigan. Oo, kaibigan.
Mga luhang kusang nagbagsakan.
Naalala ko, ako pala ang gumawa ng storyang ito.
Ako na nag padala sa emosyon ko.

Akala ko merong ikaw at ako,
Pero ang totoo ay meron lang ako.
Ako na umaasa na sana, mapansin mo.
Pero, alam ko naman malabo ito.

Nakita kitang lumalakad papalayo.
Habang sya ay naghihintay sa pag babalik mo.
Nakita ko kung gano ka kasaya kasama sya.
Ibang-iba nung ako ang iyong kasama.

Nanaginip ba ko?
Nung merong ikaw at ako?
Yung may masayang paligid?
Yung sa-akin ika'y nakamasid?

Paano ba bumalik sa dating tayo?
Ay oo nga pala walang TAYO.
Papanoorin nalang kitang lumayo,
Kasabay ng mga luha kong tumutulo.

Ganon naman sa pag mamahal diba?
Kung talagang mahal mo. Palalayain mo.
Magiging masaya ka kahit di ikaw ang kasama dito.
Ganon pag mahal mo. Masakit, pero totoo.

Ingay na nag mumula sa lumang relo,
Musikang di mo malaman ang tono.
Hudyat na kailangan ko nang gumising,
Sa panaginip kong tila nawalan ng ningning.

Tinignan ka sa malayo at nakitangang masaya.
Masaya sa piling ng iba.
Pumikit ang mga mata kong pagod nang umiyak.
Babalik na ko sa mundong di lahat ay tiyak.

SA WAKAS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon