"Lahat ng bagay ay nakatadhana na, at kung ano man ang pipiliin mo ay iyon ang magiging tadhana mo."
Minsan ang mga bagay na iniiwasan mo ay ito mismo ang lumalapit sayo.
Para sa mga taong katulad ko, pinalad pero hindi mayaman, may kaya pero sakto lang. Nakukuha ang gusto sa pamamagitan ng pagsusumikap, medyo may konting sayad nga lang.
Pero depende sa taong makakasalamuha ko.
Matalino naman ako, masipag, medyo famous na rin, may nagkakagusto rin naman sakin, pero di ako pinagtitilian, alam ko namang gwapo ako, pero marami paring kulang sakin.
Average
May mga insecurities din at go with the flow sa buhay pa always. Valedicorian man, pero may mga bad sides parin, katulad nalang ng bisyo ko, naninigarilyo ako pero ako lang ang nakakaalam.
May iniiwasan rin akong mga bagay at tao, katulad nalang ni mama na kada umaga nalang naglalasing dahil di parin siya makamove-on sa pagpili ni Papa sa trabaho niya, kesa sa kaming pamilya niya.
Hindi ko maiwasang maawa sakanya, pero iniilap ko ang sarili ko sakanya. Mahirap na baka mapabuntungan niya pako ng galit. Huhu masakit, manjumbag eyon.
Iniiwasan ko rin ang mga bagay na magpapabago sakin, kontrolado ko ang buhay ko. Sinisigurado kung malayong malayo sakanila ang magiging buhay ko.
At isa ko pang iniiwasan...
Ayokong ayoko sakanya. Siya yata ang pinakamalas na bagay na dumating sa buhay ko.
Dumating ba tawag dun?
Basta! Di ko naman siya pinipili! Ayoko siyang makasama at panay iwas nga kami sa isa't-isa eh, pero para rin kaming minamagnet at ang sitwasyon mismo ang naglalapit sa amin, ang tadhana.
Ba't ikaw pa? Ayoko sayo! Lakas rin yata ng sapak mo! Alam ko namang cute ako pero pwedeng iba na lang yung maganda sana at malaki ang oppai! Ginawa mong magulo ang kontrolado kung mundo...
Dealing with the Bakaero: Narda-sama by blizardess.
© All rights reserved. blizardess. 2020

YOU ARE READING
Dealing with the Bakaero: Narda sama
Teen FictionAng buhay para kay Bernard Dimasalang Ramirez ay parang isang librong matagal na isinulat. Lahat ng mga nangyayari sakanya ay parang hinahayaan niya itong tangayin sa hangin patungo sa destinasyon kung saan matatapos ang kanyang kwento. Wala siyang...