Chapter One: First Encounter

20 0 0
                                    

"YaaaaaaaaaaAaawn."

Mahabang hikab ko bago tumayo sa higaan. Rinaramdam at hinahaplos ko muna ang mga unan ko na ahegao. Mahal to galing shopee hehe tsaka nag-inat narin. Haaaaayst! Panibagong araw pero alam ko na agad ang mangyayari.

Kinusot kusot ko muna ang mata ko at kinuha muna yung mga muta.

Ang lalaki.

-.-

Binobola bola ko ito tsaka pintikan ko ang picture frame na may mukha ko at ako lang mag-isa sa ibabaw ng lamesang makalat. Mamaya ko nalang liligpitin tinatamad ako hehe.

Napatingin ako sa wall clock sa may ding ding. Ayan! Wall na nga may ding ding pa NYAHAHA, engot.

6:40 na

-.-

Nakapagdesisyon ako na wag nalang maligo.

Nag-inat uli ako tsaka sinuot ko ang tsinelas ko na fila nawala pa yong kapares hutek san ka nagtatago balbon! Matitikman mo uli ang mababango kung paa at wala kang choice.

Ngumisi ako ng kakila-kilabot.

Nasa ilalim ka pala nang kama aaah eengot engot pinahirapan mo pa ako!

-.-

Kinuha ko ito tsaka agad na sinuot. Feeling ko buo na ang pagkatao ko.

Pumunta ako sa labas ng kwarto ko tsaka sa cr namin. Naghilamos, nagdeodorant, nagmouth wash, tsaka nag perfume narin. Di na halatang isang linggo na akong di naliligo HAHAHA charot naligo ako kahapon.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Ang gwapo ko kahit walang ligo.


^-^


Mahangin pero honest lang.

Kinindatan ko ang salamin. Dahan dahan ka naman sa pagpapagwapo mo baka makontento ka sa sarili mo at di kana magka-jowa. Huhu wag naman sana...

Lumabas na ako ng cr at bumungad agad sakin si mama.

-.-

"Hi deaaar *huk* good morning..." lasing na lasing na sabi ni mama.

Pulang pula ang mga pisnge nito habang linalaklak ang isang bote ng beer. Araw-araw nalang ganito, walang nagbago.

Nawala bigla ang good mood ko at wala sa sariling linagpasan ko siya sabay punta sa ref at kumuha ng instant noodles. Di ko siya pinansin at umupo ako sa upuan. Inilatag ko ang dalawang cup noodles tsaka linagyan ng mainit na tubig.

Ba't kaba kasi nagkakaganyan? Pwede namang iba nalang ang pag abalahan mo wag lang ganyan.


>-<


Wala parin akong imik at binigay ko sakanya ang cup noodles.

Nandito parin naman ako... di mo naman kailangang mag ganyan.

Kinuha ko ang bag na nakalagay sa may drawer. Punong puno ito ng libro kaya medyo mabigat.

"Mauna na po ako..."

Mahina kung sabi pero di niya na narinig kasi nakatulog na siya sa couch. Mukhang magdamag itong naglasing.

Dealing with the Bakaero: Narda samaWhere stories live. Discover now