Chapter One

4 0 0
                                    

Year 2030

"Ilagay ang year sa 2000" The general said. Balak ng General na i-try ang ginawa nilang science technology na time machine.

"Yes sir!!" Sini-set na lahat ng mga kailangan para sa invention nilang time machine. Magtagumpay kaya sila?

"Mr. President, ito na. Malapit na ang ina-asam mong tagumpay, malapit ng mapasa'tin ang buong mundo" He laughed out loud as he talked to the president. Masama, masama ito dahil hindi ito magiging maganda sa buong mundo. Kailangan may magtigil nito sa kanilang masamang gawain.

"General. Let me remind you, sa atin ba kamo? Hahaha, nasisiraan ka na ba ng bait?" Sarcastic question of the president, "tulong ka lang, huwag ka ng maghangad ng iba pa"

"Ipapa-alala ko din sayo Mr. President, wala kang science technology kung wala kami. And besides lahat ng mga tao dito ako ang susundan nila, kaya kung gusto kita ipa-baril, gagawin nila kahit na presidente ka pa" sabay tutok ng mga baril sa presidente, "ohh, easy!! Saka ko nalang siya didispatyahin kapag nakuha ko na ang gusto ko. Men, itali ang presidente  ng pilipinas" dali dali nilang itinali ang presidente sa isang upuan at nilgyan pa ng takip ang kaniyang bibig para hindi mag ingay, nasa labas ang mga bantay ng presidente kaya kung marinig nila ang presidente na sumigaw ay agad silang reresponde.

Pinipilit niyang sumigaw pero siyempre nakatakip ang bibig niya, walang ingay ang maririnig sa kaniyang bibig. Mabalik sa time machine, hanggang ngayon ay gumagana pa rin ito at isang senyas lang ng general ay siguradong itutuloy nila ang kanilang plano.

"Sir. Tapos na po ang procedure, ilalagay na po ba ang asset?" Tanong ng scientist.

"Sige ilabas na siya" mula sa isang kuwarto ng silid na ito may isang tao ang naka kulong at siya ang balak na ilagay sa time machine. Siya si Renier, 18 years old at siya ang anak ng presidente.

"Pakawalan niyo ako dito!! D-daddy? Anong gingawa mo dito?" Tumingin siya sa kaniyang ama na parang isang kawawang tuta dahil hindi siya makapag salita. "Kasabwat ka nila?"

"Tama na ang drama!!" The general shouted at Renier. "Ilagay na siya jan" utos nito.

"Huwag!! Huwag!!" Nagpipilit ang binata na mag pumiglas pero hindi siya makagalaw dahil mahigpit ang pagkakahawak sa kaniya. "Bitawan niyo ako!!" Hanggang sa naka isip siya ng paraan para makatakas, sinipa niya ang maselang bahagi ng humahawak sa kaniya at kinuha ang baril nito sabay atras sa mga sundalong nakatutok lahat sa kaniya ang kanilang mga baril. "Sige, papasabogin ko itong buong laboratory niyo!!" Tinutok ni renier ang baril sa isang explosive gas.

"Huwag kayong mag paputok. Bata, pinahihirapan mo pa kami eh. Sumunod ka nalang at walang mangyayaring masama sayo pati na rin sa tatay mo" pang uuto naman ng general sa kaniya.

Nag isip ang binata kung ano ba ang gagawin niya, susuko ba siya o ipagpapatuloy na labanin ang general. Bawat mga sundalo ay nakatutok ang baril sa kaniya, kaya isang maling galaw lang nito ay agad na kakalat ang dugo niya sa sahig.

"Sige.... Susuko ako" binababa niya ang baril ng dahan dahan ngunit agad naman niyang tinulak ang general dahilan upang matumba ito at hindi makagalaw, pinipilit naman ng mga sundalo na barilin si renier pero naka tapat siya sa explosive gas na maaring sumabog kapag nadaplisan man lang kahit isang bala.

"Pigilan niyo siya!!" Sigaw na utos ng general. Ngunit wala ng ibang mapuntahan ang binata kundi ang time machine, kaya dahan dahan siyang pumasok dito at sinara agad ang pinto. "Yan ganiyan nga, teka ano yang hawak mo?" Biglang nagtaka ang general ng makita niya ang controller ng time machine ay hawak ni renier. Kaya imbes na 2000 ang year na nakalagay sa time machine, pinalitan ito ni renier ng 2020.

Lost In The Other SideWhere stories live. Discover now