"Thank You Tito I hope this will stay in private"
Sabi ko kay Tito nasabi ko na sa kanya ang pakay ko and he agreed na Sanchez ang gagamitin ko sa school.
"Well I'm still wondering pero makakaasa ka naman Hija"Tito
"Well personal reasons po tito eh masyadong confidential but well still about me and your friend Mr.Tan's issue you know it po naman eh. Sige po aalis na ako thank you po ulit sa time"
Sinadya ko talaga siya dito sa bahay nila para sa favor na hihingin ko.
"Oh hija tapos ka na?"Tita
"Opo Tita in fact pauwi na ho ako eh salamat ho ulit sa Merienda masarap ho yung cookies"
"Ay naku buti naman at nagustuhan mo ang baked ko o siya sige mag-ingat ka"Tita
Umalis narin naman na ako bibisitahin ko yung tailor na inorderan ko ng uniform at P.E uniform ko.
Well may libre naman na uniform sa school na lilipatan ko kaso ayaw ko namang magsuot ng uniform na kulang o nasobrahan sa tela kaya nagpatahi ako.
Pagkakuha ko sa uniporme ko ay pumunta akong mall para bumili ng gamit well nasabi ko na ba sa inyong 2nd semester na ng klase ngayon?? ayun nga dahil napatalsik ako sa old school ko kaya heto.
Mga school supplies lang naman ang binili ko at mga physical hygienes na gamit, nandito ako ngayon sa may napkin area well malamang para bumili ng pads.
"This is bullshit!!!"
Napatingin ako sa lalaking nasa di kalayuan ko na may hawak na dalawang pack ng napkin with and without wings yun ayun sa nakita ko.
"This is too much!!!"
Nacoconcious na din ata siya dahil sa mga babaeng nakatingin sa kanya well isa na ako dun makakita ka ba naman ng lalaking nasa may napkin area?? ilang lalaki nalang ang ganon ngayon these days yung iba di na gentle man.
May mga babae din na namimilipit sa kilig maririnig mo naman ang impit nilang sigaw.
"I'll always stick with these, sino ba namang Manufacturer ang nagpagawa nitong napkin na walang wings? ok With wings tayo "
Kausap ko sa sarili ko habang may hawak na dalawang packs ng pad nilagay ko na ang tatlong packs sa basket na dala ko.
"Thanks"
Napatingin naman ako sa taong nagsalita sa harapan ko, kinunutan ko siya ng noo at binalewala ang coldness ng boses niya pati mata walang emosyon. Tinaas naman niya ang hawak niyang packs tinignan ko ito at nakitang with wings ito binalik ko ang tingin sa kanya na may blankong ekspresyon.
Tumango nalang ako, akala nya siguro sya ang kinakausap ko kanina, dinaanan ko na lang siya at pumunta na sa may counter mabuti nalang at kunti lang ang tao dito sa mall kaya madali lang akong nakabayad iniwan ko muna sa baggage counter ang mga pinamili ko at pumunta muna sa c.r dahil naiihi ako.
Napakunot naman ang noo ko nang may taong palakad-lakad sa may pintuan ng girl's c.r dahilan para di ako makapasok.
"Uh excuse??"
Hinging atensyon ko sa kanya, napatingin naman siya sakin yun yung lalaki kanina sa may napkin area.
"Hey it's you uhmmm can I ask you a favor?? papasok ka rin naman siguro dito diba??"
Sabay turo sa girl's c.r tumango naman ako ba't naman niya natanong?? At ganong ba talaga tono ng boses nya?? monotone?? cold tone?? magkulong nalang kaya sya sa chiller para okay?? bagay naman sa kanya eh.
"Can you please give this to Akira?? she's inside this comfort room"
Napatingin naman ako sa inabot niya sakin, yun yung pads na pinili niya kanina, tumango naman ako at kinuha ito natagusan ba ang Girlfriend niya??
Pumasok na ako sa C.r walang tao sa may mirror area kaya nagsallita nalang ako.
"Ms.Akira?? Hello?"
Nag-echo sa buong comfort room ang boses ko.
"Right Here"
Narinig kong sigaw sa pangatlong cubicle kaya tinungo ko ito, nagbukas rin naman agad ito at may dumungaw na babae.
"Uhmm here pinapabigay ng boyfriend mo he's waiting outside"
Napakunot naman ang noo nya at tumingin sa hawak ko.
"Oh I see thank you nga pala and ahmmm paki sabi sa kanya kung lalabas ka na na need ko ng pant's and uhm thank you ulit"
Sabi nong babae tumango naman ako there's nothing wrong in helping other's dahil baka sayo rin mangyari to atleast may mga taong tutulong sayo. Pumasok muna ako sa isa sa mga cubicles at umihi, naghugas ako ng kamay at inayos lang kunti ang buhok ko bago lumabas naabutan kong naghihintay parin ang boyfriend nong babae kanina.
"She told me na need daw niya ng pant's I think you need to buy her some"
Sabi ko sa kanya at umalis din agad, pinuntahan ko ang baggage area at binigay ang card ko umalis din naman ako pagkatapos.