Chapter 4

5 0 0
                                    

Akisha's PoV

One week but still, ayaw pa rin niyang mag-sink in saakin. Isipin mo, yung pinaka-ayaw mong tao sa campus niyo siya pa sisira ng future mo?

Kinausap na kami ni Mr. Amarillis nung nakaraan na sa isang araw na raw kami pipirma ng marriage contract. So, tuloy na tuloy na talaga.

Iniisip ko parin kung pa 'no ko ito sasabihin kaila daddy at mommy. And I'm sure na baka itakwil na ako ng buong angkan namin. Sa ngalan ng scholarship, magpapakasal ka? like, what the hell? Alam ko at may kaya naman kaming magbayad ng tuition and everything pero, iba pa rin kasi 'yung dating pag scholar ka. Alam mo 'yon?

Si Ty, 'di rin makapaniwala na gano'n pero wala rin naman siyang magawa. Ayaw man niya ang mangyayari sa 'kin pero magagalit daw si Mr. Amarillis sa kaniya. Kaya eto ako ngayon, nasa kwarto ko at naghihintay ng tsempo kung kelan ko sasabihin.

Minutes have passed, eto na ako ngayon naglalakad papunta sa kwarto nila mama at daddy.

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto nila. "Mama? Daddy?" sabi ko. Naghintay pa ako ng kaunti dahil 12 AM na po ano? ewan ko ba.

Pagbukas ni Mama ng pinto, pinapasok niya ako agad. "Ano problema, Anak?" tanong ni mama.

Umupo naman ako sa vanity table ni mama, at si daddy naman tutok pa rin sa laptop niya, si mommy naman nasa tabi ni daddy.

"Diba po, may scholarship po ako na inapply-an."

"What about it?" tono palang ng boses ni daddy kikilabutan kana jusko.

"Please.. Understand me, mama.. daddy.."

"Anak, kinakabahan naman ako sa mga ganiyan mo." sabi ni mama na tila bang parang kinakabahan sa bawat sasabihin ko.

Huminga muna ako ng malalim at nagsalita muli. "Mama, i-ikakasal na po ako sa isang araw." yep. Diretsahang sabi ko. Matapang ako today kaya panindigan na natin to.

"What?!" sabay na singhal ni mama at daddy sakin. Naku po! eto na nga ba.

"Look, ganito po kasi 'yan, Si Ethan, anak po siya ni Mr. Amarillis then, bago niya po makuha 'yung mana galing sa lolo niya, kailangan muna po siya magpakasal sa babae na malapit sa kaniya. And so far, ako palang po yata ang nakakusap niya lagi na kaclose niyang babae because it's their family tradition. In exchange, my scholarship, allowance, and everything related to my studies. Sila na po ang bahala. Kaya, makakapagipon na po tayo para makapagtayo na po tayo ng sarili nating business." Inexplain ko talaga siya mabuti dahil pag 'di ako nagexplain, baka palayasin ako ng wala sa oras sa bahay na ito.

Si mama nakatingin lang sakin and same with my reaction when I heard na ikakasal ako. Si daddy naman ang sama ng tingin sakin hay nako! lagot na!

"Qù ni de fàngjiān. Xiànzái." sabi ni daddy which is 'Go to your room. Now.' at tuluyang lumabas ng kwarto. Hays.

Pagpasok ko ng kwarto ko tinignan ko muna yung digital clock sa bedside table ko at 12:37 AM na. Si daddy naman, nakaupo lang sa upuan ng study table ko. Kaya ako, umupo nalang sa may kama.

"Who is this guy? Is he worthy of you? What is his horoscope? Do you even know him?" sunod sunod na tanong ni Daddy sakin. I don't even know what to answer first! Gou shi!

Lumunok muna ako. "Okay daddy, just calm down. I'll answer it one-by-one."

"Who. Is. He." tono palang talaga lagot na ako.

"Uhm. Si Ethan Amarillis po. Son of Mr. Amarillis, ang Headmaster po ng school namin." kinakabahan pa rin talaga ako. Minsan lang kasi kami mag-seryoso ni daddy mg ganito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Bad Boy's Wife For Rent [ON-HOLD]Where stories live. Discover now