"KATH!" rinig kong sigaw ng boses lalaki at halata ang pag ka excite sa boses kaya nilingon ko yon kahit alam ko naman kung sino. Napangiti ako ang aking bespren!"HANZ!" sigaw ko pabalik ng makita sya at tinangal na ang susi sa mio kong motor at sinalo ang yakap ng higante kong bespren since highschool
"Kathh namiss kitaa! Damn! 1 month akong walang contact dahil nasa probinsya ako walang signal bwiset!" pagiinarte nya sakin between our hug at kumalas na sya
"Namiss din kita! Asan na ang pasalubong ko!" todo ngiti ko dito galing kase syang baguio dun sa mga grand parents nya tapos bawal gadgets pag andon sya kaya ayun
"Napaka mo talaga! Di mo talaga ako namiss eh nuh" sabi nya sabay akbay at konyat sakin aba napaka ano talaga nitong lalaki to
"pano kita mamimiss eh puro mukha mo na ang nakikita ko simula 1st year highschool tayo" sabi ko dito at natawa naman sya yep classmate ko si Hanz Dale Hontiveros simula 1st year HIGHSCHOOL kami pero mas naging bestfren ko sya nung nagsenior high kami since parehas kami ng strand na kinuha home economics at classmate ulit hangang college at graduating classmate pa rin kami oh diba ansaya?
"Napaka mo talaga ako miss na miss ko kayo ang buhay ko dito halos araw araw akong kating kati ng umuwe sa bakasyon ko" busangot nya strict kase ang grand parents nya
Naglakad na kami paalis ng parking lot at nagkwekwentuhan lang kung anong ganap ng summer vacation namin.
Buti nga sya nakapuntang ibang lugar eh ako? Andon sa shop nagbabantay ng motor shop namin buong summer hay nako
Mayaman naman kase tong si hanz mga may business ang magulang nyang mga SPA and so on pero normal lang din syang studyante dito gaya ko pantay lang ang social status namin sa school pero ok na samin yun wala din naman kami pake basta kamiy makapag tapos at pasado sa klase at di nadadamay sa kaekekan ng mga ibang studyante dito
Habang ako piloto ang kuya ko at sya ang nagpapaaral sakin wala pa kase syang pamilya habang ang papa at mama ko eh minamanage yung motor shop at talyer namin sa bahay tapos may kapatid ako bunso sya 17 years old at grade 12 yon. Di kami mayaman kumpara sa mga studyante dito. May kaya lang talaga kami tapos ako pa ischolar ni yorme kakilala kase sya ni papa kaya ayun medyo kinakaya ang pagpapaaral sakin dito sa school nato na umaabot ng isang daang libo mahigit kada taon dahil na din sa kursong kinuha ko di naman nila ako pinigilan kunin ang cullinary.
Ang McLarren University di man ito ang pinaka pang mayamang school pero pag nag list ng pinaka magandang school sa buong pilipinas eh di mawawala sa top 5 ang McLarren University ganun sya kaganda at worth it talaga mag aral dito siguradong ibang bansa ka agad magwowork yun ang habol ko dito sila hahanap ng company na papasukan.
Maiba naman sa loob ng school typical rich folks at may mga may kaya din ang nag aaral may mga scholars din pero di mawawala ang invisible hierarchy sa school which is The Populars Club andyan na lahat varsity bully maganda gwapo na sikat basta kilala next is mga The Losers Club ayan naman ay mga naapi ng mga populars andyan na ang nerd or kahit sinong mapagtripan or mga weird sa campus mga patapon na studyante and last is mga Normal yan ay yung mga tahimik ang buhay sa school simpleng nagaaral at simpleng chismosa at chismoso din mga normal na studyante na hindi kilala at pampadami ng population sa school at isa nako or kami dyan
Atleast tahimik ang buhay namin tho nakakabored din minsan tanging school bahay school bahay lang kami ni hanz pero enjoy naman sa klase at kaclose namin ang mga kaklase namin. Mga college party? Mga sikat lang invited dyan eh mga school clubs? Kaylangan accepted ka nila bago ka makapasok sa isang club activities basta ang pinopoint ko lang is NORMAL lang talaga kami walang sinasalihang kung ano at pumapasa sa subjects at nakakauwe ng maayos at nakaka kain sa canteen ng walang problema ganun
BINABASA MO ANG
My Abnormal 4th Year In College
HumorNerd? Nah di naman malabo ang mata ko at di din ako ganoon katalino Popular? Nahh mga kaklase ko lang simula first year ang nakaka kilala skin Bully? Nahhh nasa tamang pagiisip pa naman ako para malaman ang tama sa mali Varsity? Nahhhh di ako nakuha...