Her Smile

133 9 0
                                    

"Ma!! Nasan na yung chicken sandwich koo!" sigaw ko sa kitchen di ko kase mahanap ehh

"nasa taas ng ref teka nga matanong kita ikaw bay may jowa na?" bungad ni mama sakin habang nakapameywang at may sandok pang hawak hawak.

"ah eh wala hahaha" ni nenyerbyos kong sabi bawal pa kase ako mag jowa yan ang usapan namin sa bahay hangat di pa ako grumagraduate.

"eh bakit laging dalawa pinapagawa mo saking chicken sandwhich at wag mong idadahilan na kay hanz ang isa dahil allergic sa mayonaise yon!" na taken aback ako kay mama parang mabibisto nako na lagi kong binibigyan si julia ng sandwich tuwing umaga simula nung binigyan ko sya nung last time since sabi nya ang sarap daw at new favorite nya yon

" ah eh ma sarap na sarap kase sa sandwich mo yung bago kong kaibigan ano bang magagawa natin eh napaka sarap ng dressing na inimbento ko diba AHAHAHA" mayabang kong sabi bakit totoo naman ako nag imbento ng chicken dressing nato hangang sa naperfect na ni mama ang lasa at since fvrt ni julia yun lagi ko sya pinapagawa pambaon ko sa school kahit di ko naman talaga hilig mag dala ng pagkain sa school.

"nakoo wag mo nga kong hinahanginan may jowa kana nuh malaman laman ko lang na may jowa ka-"

"mama babye!!" sigaw ko agad at karipas ng baba at layas sa bahay nako aga aga ayaw ko masira ang wonderful mood kooo

Thursday ngayon at maaga ang klase ko 7 am at hangang 1 lang sya. Kaya 6 pa lang lumarga nako sa bahay di dahil baka malate ako sa minor subject na ang fefeeling major because para makapag reply ako kay julia through letter.

Wala pang katao tao halos sa school kaya kahit mag karipas ako ng takbo sa hallway eh ayos lang walang bully na papansin sakin tho wala naman talagang gumaganun sakin hahahaga

Pagdating ko don sa puno eh agad kong binuksan ang na ka crumple paper na puro sulat back to back at halos wala ng masulat dito napapangiti ako ewan ko ba bat ayaw namin palitan ang papel talagang pinagsisiksikan namin sa yellow paper nato ang sulat namin halos ang liit na nga ng sulat namin dito para may maisulat lang

Hinanap ko ang reply nya. Pinaguusapan kase namin yung about sa problema nya sa pamilya.

Yep nandon nako sa point na yun naging instant stranger friend nako ni julia. Nasasabi na nya sakin ang problema nya sa bahay since wala daw syang mapag labasan ng lahat.

Naawa ako sakanya sa totoo lang kase kung ako sya eh baka ganun din ang magiging dahilan bakit medyo bad attitude ako kung sakali.

Kase naman mga kilala sa business industry ang mga ate at kuya nya sikat ang mga magulang nya at antaas ng expectations sakanya kase nga di naman daw nya yun makakamit yung talent brains or whatever na nagpapaka perfect saknya kung di sya sinubsob sa pagaaral ng advance book, piano lessons, violin lessons , dance lessons and so on na may lesson para gawin syang perfect daughter. Na prepressure sya at sinasabing para skanya yun tho sa side nya she doesn't want it.

She just want a family that will support her in what she truely wants yan ang paliwanag nya. Kakaawa diba nasasabi kong maswerte pa rin ako sa buhay dahil kahit strict ang parents at kapatid ko eh very supportive sila sa mga gusto ko sa buhay kahit pagiging bisexual ko.

Habang si julia, never syang nakahanap ng kakampi. Yes malapit sya sa mga kaibigan at pinsan nya pero wala daw syang mapagsabihan at mapaglabasan ng totoong sya.

Nasasad ako para saknya at lagi kong sinasabi na nandito lang ako para saknya kahit di kami magkakilala eh andito lang ako bilang kaibigan na nagpapahalaga saknya.

Sa isang bwan ko syang nakakausap ng ganto  eh nakakikilala ko ang tunay na julia.

Which is weak, sad and a person who just want simple things in life. Happiness at attention from someone who is important to her which is her family. Yes nasakanya ang lahat that every girls wants talent, brain, looks but she doesn't want that. Hays

My Abnormal 4th Year In CollegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon