" puta ok naba? Tama ba tong paglagay natin?" natatarantang tanong ko kay hanz habang naglolookout sya kinakabahan ako sa katarantaduhan naming dalawa"oo ok na yan nakita ko sa youtube ganyan na ganyan ang pagkakaayos!" kinakabahan ding sabi ni hanz kase syempre ayaw naming makita kami ni julia dito eh mukhang secret place naman nya ito
"sige sige tara na!" sigaw ko at agad kaming nagtatakbo paalis dito sa likod ng business ad department kung san maraming puno at bermuda grass mahangin dito at sobrnag linis. Pano ko nga ba natagpuan ang reyna sa lugar nato at umiiyak magisa
Flashback...
" This is agent gwapings do you read? I repeat do you read?" sabi ni hanz sa cellphone parang tanga pero dahil parang tanga din ako eh sasakyan ko sya
"This is agent gwapongs copy! Target sighted?" tanong ko at rinig ko ang maingay na tawa ni hanz
"puta dre anong gwapongs? Sinira mo naman ang lines natin!" sabi ni hanz eh bakit ba yun una pumasok sa isip ko
"tigilan moko hanz ah ano nakita mo ba ang target?" naiirita kong sabi dito
1 week na kase kaming nagstart iistalk ay este pag masdan at pag aralan ang queen bee para alam ko kung pano dumiskarte dito. Andami kong nalaman at napagmasdan saknya actually pasimple ng pag iinvestigate ang ginawa namin at konting search sa google at tanong sa fans club nya
Yung iba naman eh alam ko naman na dahil napapansin ko yun saknya like she sometimes curl her hair ends pag bored sya at nagiisip tapos mahilig syang magbasa ng mga greek mythology sa library pag free time nya at magisa sya. She never wore the same outfit twice sa school. At kung ano ano pa hirap bangitin lahat lalo na yung negative eh madami dami din.
Palaban kase sya at di nagpapatalo kaya medyo pala away sya at may pag ka mataray talaga pag di nya gusto. Ayaw din nya ng pinipilit or what.
"Hindi nga eh nawala na lang bigla asan kaba?" sabi ni hanz pasimple kase namin tong hinintay lumabas ng classroom kaso after nyang magpunta sa cr habang may kausap eh mabilis syang nagtatakbo kung saan at masama ang aura kaya di ko na nakita kung nasan sya alangan na habulin ko edi nahalata ako
" ewan ko nga eh basta nasa business ad department ako kanina" sabi ko dito sa tunay eh di ko na alam kung nasan ako eh napadpad ata ako sa likod ng buildings dahil walang katao tao at daming mga puno pero malinis pa rin at puro bermuda grass
"hay nako sa cafeteria na lang tayo magintay since dun din naman tatambay yan mamayang lunch" sabi ni hanz
"sige otw nako dyan" sabi ko kay hanz at pinatay ang tawag.
Naglakad lakad ako ulit kahit di ko alam ang palabas dito ng may marinig akong mahinang pag hikbi kaya sinundan ko ang tinig na yun.
And there she is yakap yakap ang kanyang tuhod at nakaubob dito at rinig na rinig ko ang paghikbi nya
"bakit ka umiiyak" mahinang sabi ko sa sarili para akong nasasaktan saknya kahit di ko alam kung bakit sya umiiyak
Gusto ko syang lapitan at iabot ang panyo ko. Pero sino ba naman ako para mag abot ng panyo saknya. Mamaya magalit lang sya at isipin pa nya na minamaliit ko sya or nakita ko ang kahinaan nya.
Pinagmasdan ko lang sya at ilang minuto din sya nagiiyak don habang nakaubob.
Why? Ang tanging naiisip ko why would someone like you cry silently like this. Cry where no one can see you.
In the end mas pinili kong wag syang lapitan i kind a get her attitude nandito sya para magkaroon ng space at makaiyak ng buong puso ng walang makakakita kung gano sya kahina sa loob and I'm giving it to her. I walk away luckily nakalabas na din ako sa lugar na yun at nagtungo ng cafeteria
BINABASA MO ANG
My Abnormal 4th Year In College
HumorNerd? Nah di naman malabo ang mata ko at di din ako ganoon katalino Popular? Nahh mga kaklase ko lang simula first year ang nakaka kilala skin Bully? Nahhh nasa tamang pagiisip pa naman ako para malaman ang tama sa mali Varsity? Nahhhh di ako nakuha...