Instant Famous

151 10 0
                                    


Halos 30 mins din akong nagiiyak dito na parang gago with matching hampas hampas pa sa harap at grabeng pag mumura sa sarili habang pinapatahan ako ni hanz

"oh bes magpalit kana iinom na lang natin yan! May mga punch pala don ang mga engineer" sabi ni hanz at inabot sakin ang costume namin habang sigi pahid ako ng sipon dito sa itim na coat ko

"sensya na bes ah ako na lang maguuwe netong costume mo" sabi ko dito at natawa lang sya

"ok lang gusto mo iyo na yan remembrance mo diba syaka nakay julia yung cape di na rin kumpleto yan hahaha hay nako basta bes wag mong sisihin ang sarili mo may part din na kasalanan ko at ako ang may idea ng lahat ng to. Pero look for the bright side bes wag puro nega!" sabi nya at nginitian ko lang to at lumabas na sya ng kotche at nagbihis nako sa costume ko talaga kanina

After kong magbihis lumabas nako at pumunta na kami ng gym kung san back to party party ang mga studyante habang yung iba may hawak na bote ng wine at tinutunga pa tapos sa medyo madilim na part eh kitang kita ang punch na inaabot ng mga lalaki sa mga babaeng lumalapit

Pumunta naman kami don dahil sila chris eh nagiinom sa di kalayuang table at vodka na ang iniinom nila malalakas talaga ang mga sikat alam ko eh bawal yon

"Oh andyan na pala kayo eh oh shot!" sabi ni chris at inabutan kami ng shot glass at agad ko yung tinungga at umupo sa tabi nila

"napanuod nyo ba yung eksena kanina?" sabi ni charles kaya Napatingin ako

"oo nga eh sweet akalain mo yon nagpapahalik pala si JL sino kaya yun isa siguro sa jowa nya" sabi ni andy kaya napashot ako ulit puta habang tinitignan lang ako ni hanz at ngumingise

"Tinanong ko si JL kanina eh kaso sabi ba naman sakin eh FUCK OFF! init ng ulo grabe" sabi ni chris na natatawa ginaya kase nya yung pagkakasabi ni julia nun

"oh? Bakit mainit ulo? Kala ko eh nag hotel na kase nawala sila bigla eh" sabi ni charles natatawa naman sila para naman tuloy akong namumula hayup

"pero parang iba yung pakikitungo ni JL don sa lalaki kanina pansin nyo ba" sabi ni andy habang shumoshot parang nabubuhayan naman ako sa sinasabi nya

"asus ganun naman lagi yun sa mga jowa nya eh walang pinagbago gusto lagi ni JL ang spotlight" sabi ni charles wala di ko alam ang irereact

"tama na nga yan nakita nyo ba si zeenah?" sabi ni chris kaya napatingin kami

Umiling kaming lahat asan kaya si zeenah?

Kaya tinext ko na lang sya kung nakauwe naba sya di naman nagreply

Buong gabi eh nakipag kwentuhan lang ako sa boys at umiinom sa table hangang sa nag kayayaan sumayaw thankful ako saknila eh nawala ang inaalala ko dahil sa kakengkoyan nila at medyo may tama na din kase kami

Napag alaman ko ding maaga umuwe si julia base sa mga chismis ng mga boys, pinaguusapan kase talaga ang sayaw namin ni julia kanina at yung performance namin nagtataka ang ibang studyante kung sino daw ba ang bagong member ng mediocre at babae pa daw ang vocalist nila at hinalikan pa daw ni zeenah kung mag jowa daw ba kami ni zeenah

Tapos yung zorro na hinalikan ni JL na ikinagulat ng boys dahil di naman daw nag papahalik si JL andaming sabi sabi at di ko alam kung matututwa ako dahil lahat ng ganap ngayong gabi eh ako ang pinaka bida

Laughtrip diba never kong hinangad ang gantong pangyayare sa buong buhay ko. Kung dati pag Halloween nagsasayaw lang kami sa dance floor ni hanz na parang engot  pero ngayon ako na ang bida ngayong gabi...

Kinabukasan..

"ughh pota sakit ng ulo ko" nagising ako dahil sa sikat ng araw sa mukha ko at ang sakit ng ulo ko pag kabangon ko medyo nahihilo pako bwiset

My Abnormal 4th Year In CollegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon