A BEGINNING OF LIFE

21 1 0
                                    

"Hindi mo na ba lalapitan si Warren?" tanong ng kaibigan kong si Bianca



"No reason. Mas kailangan kong mag review para mag stay dito sa school" sabi ko.


"You don't have to. Akala ko ba kaya ka sumali dun para lang sa parents mo?" tanong ni Jasper, boyfriend ni Bianca, naging kaibigan na din namin siya


"Pag hindi ako nakapasok ng top 5 sa competition, ililipat ako nila Mom sa ibang school. Di ko alam, pero pasado naman ako sa ibang subj, sadyang ayaw ko lang talaga ng major ko" sabi ko.

"Huh? Grabe naman yun. Bakit ba kasi ayaw mo sabihin sa parents mo na gusto mo mag Law?" tanong ni Violet.

"As if naman na makikinig sila" sabi ko. Nandito kaming apat sa canteen. Pare parehong Medicine ang kinuha namin. Same section din kaya mas naging close kami.

"Alam mo ikaw? Lagi ka nalang nakaharang sa lahat" sigaw ng isang lalaki na may kasamang anim pang lalaki, at isang lalaki naman ang papasok sa canteen.


"Hindi ko kasalanan na bobo ka" sabi nung lalaki na tinulak nung lalaking madaming alipores.


"Avril" sigaw ng isang babae na nasa pinaka dulong upuan sa canteen.

"Let him" sabi naman nung isang lalaki na kasama nung lalaking mayabang. Mukhang siya yung leader

Binuhusan siya ng kape at ramdam ko din yung init nun. Kasabay nun ay kinuha ang pagkain niya at binuhos sa kaniya.

"Matalino ka di ba? Bakit mukha kang kawawa dyan?" sabi nung lalaki na nagtapon ng kape sa kaniya.

Tumayo ako at kinuha yung kape ni Violet.

"Malaking grupo yan" sabi ni Jasper sa akin


"Malaki din ulo ko, pero di ako ganyan kayabang" sabi ko at naglakad papalapit, agad kong tinapon sa damit nung lalaki yung kape.

"Oops.. Sorry. Paharang harang ka kasi e" sabi ko at pinilit na itayo yung binubully nila.

"Argh! Miss huwag kang makialam dito" sabi nya.

"Kira" lumapit sa akin yung mga kaibigan ko at hinila ko palabas ng canteen yung binubully nila.

"Ano bang kasalanan mo sa mga yun?" tanong ko sa kaniya

"Natalo ko kasi kanina yung grupo nila sa quiz" napakamot ako bigla ng ulo. Yun lang? Nang bu bully sila kasi natalo sila sa quiz? "Yun quiz kasi na yun ang mag de determine kung sinong lalaban sa University Clash" sabi niya.

"So, ikaw ang lalaban sa University Clash?" tanong ni Bianca sa kaniya.

"Opo, representative po ng Engineering Course" sabi niya.

"See you sa UC" sabi ko. "I'm Kira, Medicine Course representative" sabi ko at inabot ang kamay ko.

"Angelo po" sabi niya.




"Kira? You think makakaligtas ka pa kila Twixon?" tanong ni Violet sa akin





"Twixon!?" tanong ko





"Yung leader ng binangga mong grupo. Ang pinaka cancer na grupo sa Engineering building" sabi ni Bianca




"Sorry po. Kung di niyo po ako niligtas, di po kayo madadamay." sabi ni Angelo.





"You" humarap kami sa lalaking sumigaw. Yung lalaking tinapunan ko ng kape.




Humarap ako sa kaniya, at matapang siyang tinignan.






Play and Fall (A Five Chapter Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon