"Wyne, sumama ka sa amin" sabi ni Tyron
"Mamayang 10 pa ko pupunta sa inyo. Wala sa rules niyo na pwede niyong pilitin ang mga estudyante dito" sabi ko.
"Pero nasa rules na dapat sundin mo kami" sabi niya.
"I'm not feeling well, okay? Tinapos ko na yung works niyo kahapon ah? Ano pa bang gusto niyo gawin ko?" inaawat ako ni Violet pero anong magagawa ko? Ang sakit ng ulo ko. Literally, yung sugat ko sa ulo yung masakit.
"We are just following someone's command" sabi ni Rexon
"Please, masama talaga pakiramdam ko" sabi ko.
"Huwag niyong pilitin ang ayaw" sabi ni Warren na nakangiti ngayon.
"Sit down" sigaw ni Tyron kay Warren dahilan para matakot ang lahat.
"Sasama na ko. Basta kasama si Violet" sabi ko. Hinila ko si Violet at lumabas. Sumunod naman sila Tyron sa amin.
Pagdating namin sa may office nila, pinaiwan si Violet sa labas. Wala na kong magawa kasi gusto na kong sabunutan ni China dahil sa pamimilit ko.
"Ano na naman to?" pagpasok ko ay nakaupo lang si Twixon
"Bat andami mong sugat?" tanong niya sa akin, hindi siya tumitingin.
"Nadapa ako. Okay na ba? Pwede na ba kong bumalik sa classroom ko?" pagkasabi ko nun ay tumayo siya ay nilapitan ako.
"Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo? Pagkatapos kong makita na hinatid ka ni David?" napaangat naman yung ulo ko sa sinabi niya.
"It's none of your business."sabi ko at nagulat nalang ako sa ginawa niya. Tinulak niya ko sa pader at sinakal ako.
"I don't want to see you with David again. Never again" sabi niya at tumalikod na.
"If you didn't promise na babalikan ako sa hospital, edi sana nakauwi ako ng maaga at hindi ako nag taxi, at kung hindi sana ako nag taxi hindi mangyayari sa akin to. Tapos malalaman ko, hindi ka uuwi. I don't know everything about you Twixon. But I only know one thing. Your a mess"sabi ko, lalabas na sana ako ng hilahin niya ang braso. Pinaupo niya ko dun sa upuan niya kanina at pumunta sa labas.
"WALANG KAKATOK, WALANG MANG IISTORBO, KAHIT ANONG INGAY ANG MARINIG NIYO WALANG PAPASOK. MALIWANAG BA" pagkasabi niya nun ay muli siyang pumasok at nilock ang pinto.
"I'm a mess huh?" bigla niyang hinubad yung damit niya
"Anong ginagawa mo?" sigaw ko sa kaniya.
"I'm a mess, yeah. And this is because of your f*cking selfishness" sabi niya. Muling sumakit ang ulo ko at ngayon mas masakit na siya. Naramdaman ko nalang na babagsak na ko bago makatayo ay tuluyan na kong nawalan ng malay.
____
University Clash Day
This past few days, hindi kami nag uusap ni Twixon. Minsan hindi siya umuuwi sa bahay nila. Pero sinusundo niya ko sa umaga. Natapos namin ang Military service namin at umalis na din sila sa Faculty namin.
"Ready ka na ba anak?" tanong ni Mama sa akin. "Nakita ko ang papa mo sa judges" sabi niya.
"Mama, mag focus tayo sa competition, hayaan mo muna si Dad" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Play and Fall (A Five Chapter Story)
Teen FictionAre you ready to fall? Twixon is a Engineering student who gets what he wants. While Kira is a Medicine student, but wants to take a law. He has a strict parents. But what if, there Mothers know each other and after Kira's parents divorce they decid...