THE COMPETITION

14 1 0
                                    


"Si China yung ex ni Paolo na ex ko na din. Kilala ko yun kasi inabangan ako nun sa labas ng school namin nung highschool" sabi ni Bianca.



"Patay na patay yun kay Twixon since highschool. Kaya nung nalaman niya na mag E Engineering si Twixon. Yun din kinuha niya" sabi ni Violet



"Bakit nga ba magkasama kayo ni Twixon kaninang umaga!?" tanong ni Jasper


"Kila Twixon kami nakatira ni Mama. Nag file na ng annulment si Dad. Tapos magkaibigan yung mother ni Twixon at si Mama. Kaya dun muna kami nag stay, hindi ko din alam ang plano ni Mama e" sabi ko. Di ko sinabi sa kanila yung tungkol sa 'pretend girlfriend' ni Twixon.



"Huwag muna kayong magsabay pumasok ng school. Alam mong mapapaaway ka lang. Hindi lang si China ang obsess kay Twixon no'." sabi ni Violet


"Babe" napatingin naman kami sa may pinto. Nakatayo si Twixon dun. Cool pa din yung pagkakatayo niya dun.


"Babe?" tanong ni Jasper



"Bakit? Hindi ba sinabi ni Kira sa inyo na kami na?" bigla ko nalang binato yung unan kay Twixon.



"Tumigil ka nga. Hindi sila kaaway mo" sabi ko.



"I still have to protect you" sabi niya at inabot ang isang supot. "After ng klase mo kainin mo yan. Babalik na ko sa court" sabi niya.



Umalis siya at agad akong inintriga ng mga to. Napalo ko nalang ang ulo ko



____

Nasa court ako at di ko naman alam na ang daming tao dito.




"Si Twixon ba?" sulpot ng isang lalaki sa likod ko. Si Quine.



"Twixon" sigaw nung Quine. Hinila niya ko papunta dun sa upuan ng mga players.





"Ano na namang ginagawa mo dito? Naghahanap ka na naman ng gulo?" inis na sabi ni Avril. Napansin ko naman si Nathalie na napatayo ng lapitan ako ni Avril.




"Gaano ba ka importante sayo ang UC?" di ko na napigilang magtanong sa kaniya. Lumapit naman si Nathalie sa amin.



"UC ang magbibigay sa akin ng chance na makapasok sa IC" napatingin bigla sa kaniya si Nathalie.



"Gusto mo sumama sa International Competition?" tanong ni Nathalie.



"Kasalanan mo to" itutulak sana ako ni Avril ng unahan siya ni Twixon.




"Not my girl." bulong niya kay Avril.



"Girl? Mahilig ka pala sa war freak, parang nanay mo?" nagulat ako ng suntukin ni Twixon si Avril.





"Huwag mong sabihing nagkakaganyan ka dahil sa babaeng yan" sabi ni Avril na binalik kay Twixon yung suntok. Pinilit silang awatin ng mga team mates nila. "I quit" sigaw ni Avril at lumabas ng court. Lalabas na sana si Nathalie ng pigilan siya ni Twixon.





"Pag sumunod ka sa kaniya, pag iinitan ka lang niya" sabi ni Twixon, niyakap niya si Twixon. Nagulat naman sila Quine sa ikinilos ni Nathalie




"Aalis na ko" sabi ko. Tumakbo ako hindi para umalis kundi para sundan si Avril.





"Avril" tawag ko ng makita ko siya sa gilid ng court.




"Bat ka sumunod!?" mahinahon niya sabi habang hawak ang isang sigarilyo.




"Makikinig ako" umupo ako sa tabi niya



Play and Fall (A Five Chapter Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon