Skillux's POV
Tawagin mo na akong Alex, k?!
Joke lang po. Haha. Hwag pong OA.
By the way, ako si Alex Collow. Isang sikat na student sa school. Aba syempre, paano hindi ako sisikat eh samin tong academy na to. Diba?
Maraming babae ang humahabol sakin pero ni isa, hindi ko sila pinapansin. Wala nga akong girlfriend, sa gwapo kong to?! Wala?! Hayyss.
May lahing akong brazilian and british and filipino. Ang weird no? Ang papa ko kasi, half brazilian and half british. And my mom is a half filipino. Kaya ewan ko kung saan ako nababagay. -.-
"Yo guys! May sasabihin lang naman ako! Veronica and I are dating! So you guys, have no right to talk, stare or even touch my girl! I don't like sharing! Okay?!" Sigaw ko sa cafeteria. Actually, trip lang naman lahat to eh. Dare namin mag barkada.
Hahahaha. Ang sungit nung Ronnie na yun. Ako na nga yung lumalapit sa kanya, sya pa yung may ganang itaboy ako. Pwe.
Ang ganda nya lang ha.
Type ko.
Nung sinigaw ko yun. Nakita ko si Ronnie na tumayo at tumingin sa mga mata ko. At biglang....
Umalis?
Shit. Iiyak ba yun?
Bumaba ako sa lamesa. Susundin ko sya. Di ko alam na iiyak pala sya.
"Good job. Napahiya mo sya." Sabi ni Chloe at agad syang lumapit sakin. Nilagay nya yung mga kamay nya sa leeg ko. I ignored that. Kinuha ko yung mga kamay nya at agad umalis. Sinundan ko si Ronnie.
Tumayo naman si Tasha.
"Nice job, you asshole! Pinaiyak mo si Veronica! Porket may ari ka ng school nato pwede mo nang banggain lahat nang nandito! Remember, di nyo makukuha ang school na to kung di dahil samin! Bastard!" Sabi ni Tasha at umalis.
"Tasha wait." Hinawakan ko ang braso nya.
Paakkkk! (Ang panget ng sound effect. Sorry -.-)
Everybody gasped.
Sinampal ako ni Tasha. Okay lang. Kasalanan ko naman to.
"Kulang pa yan. Tandaan mo." - Tasha
"Ha-ha. Nakakatawa yung joke mo kanina. Mamamatay na yata ako sa sinabi mo." - Anne.
"Halika ka na Tasha." At sabay silang nag walkout.
Speechless ako dun ha. Mag business partner kasi yung parents namin ni Tasha. Sabi nga nang dad ko, dapat raw pakasalan ko si Tasha para may makuha din ako. Like hell no! Ang sungit kaya nun.
"Hoy! Hahayaan mo na lang ba na umiiyak si Ronnie?! Gago ka talaga!" Sabi ni Jake sabay hampas sakin ng bola ng football.
Aba bweset!
"Geh pre. Akin nalang si Ronnie. Tutal chic naman yun eh." Sabi naman ni Crawford
Dun nalang ako natauhan. Agad akong pumalayo sa kanila at lumabas ng cafeteria. Hinanap ko si Ronnie sa hallway.
BINABASA MO ANG
The Last Goodbye
RomanceSi Ronnie ay isang half American and half Filipino. Nong lumipat na sila sa Pilipinas, dun na yata nawasak ang buhay nya dahil di nya kayang iwan ang mga kaibigan nya na nasa states. Palaging syang nag mumukmok sa kwarto nya at dun mag aksaya ng ora...