Random Letter Entry #1

17 3 0
                                    

Kamusta ka na? Nawa'y nasa mabuti kang kalagayan ngayon. Ayos naman ako. Huwag kang mag-alala. 

Ngunit may mga katanungan pa rin na  naiwan sa akin.

Bakit  mo akong nagawang lokohin? Tatanggapin ko naman lahat ng sasabihin mo eh. Hindi mo na kailangang magsinungaling. 

Pero tapos na. Nangyari na. 

Patawad kung hanggang ngayon ay hindi pa gaanong matibay ang tiwala ko sa'yo. 

Patawad kung nagdadalawang-isip pa rin ako sa mga sinasabi mo. Hindi mo ako masisisi. Dahil niloko mo lang ako.

Maghihintay pa rin ako sa magiging dahilan at paliwanag mo sa hinaharap. 

Nawa'y mahanap mo ang katahimikan ng loob na nais mo. 

At kapag handa ka na, nandito lang ako. Handang makinig sa'yo. 

Mag-iingat ka lagi. 


Unsent letters and poemsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang