Random Poem Entry # 5

5 0 0
                                    


Hindi inaakala 

Na magiging magkaibigan tayong dalawa 

Sa simpleng pagbati lamang sa iyo 

Isang pagkakaibigan ang nabuo. 


Nagbahagian tayo ng mga karanasan 

Na bunga ng ating mga nakaraan 

Hindi inaakala na tayo ay magkakasundo 

Kahit na minsan ay napakagulo mo.  


Kapag ako ay may pinagdadaanan 

Hindi mo ako sinusukuan 

Ikaw ay gumagawa ng paraan 

Upang aking nararamdaman ay gumaan.


Ngunit mga araw, linggo at buwan ay nagdaan 

Tila nag-iba ang aking nararamdaman 

Unti - unti ka na atang nagbabago 

At para bang nagbabadya na maglalaho.


Sinabi mo sa akin, ikaw ay may pinagdadaanan 

Kaya ikaw ay nawawala ng biglaan 

Naiintindihan naman kita at binigyan ng oras 

Upang maghilom at lumakas.


Ngunit may iba pa rin akong kutob 

Gusto kong malaman, utang na loob 

Totoo ba ang lahat ng sinasabi mo? 

O pinaglalaruan at pinapaikot mo lamang ako? 


Sinabi mo sa akin, kay dami mong ginagawa 

Ngunit ikaw ay nasa kabilang app, at aktibo pa 

Nagpawalang bahala na lamang muna ako 

Dahil sino nga ba ako dyan sa puso mo? 


Nag-iba na talaga ang ihip ng hangin 

At tila ikaw ay tinatangay palayo sa akin 

Sabihin mo lamang ang katotohanan 

Ako na ang lalayo sayo kailanman. 


Bilang kaibigan pa nga ba ang nararamdam ko para sayo? 

Ano ba? sadyang napakagulo 

Ayoko nang umasa, tutal aalis ka rin naman 

At iiwan ang puso kong luhaan.


At kung sakaling aalis ka man upang tuparin ang iyong mga pangarap 

Tanging hiling ko sa mga bituin, kasama ng mga alapaap 

Huwag sana akong kalimutan at ating mga pinagsamahan 

Lahat ng iyon ay nakakatatak na sa aking puso at isipan. 


Oo inaamin ko, ikaw ay unti unti nang nagugustuhan 

Ngunit nararamdaman ko ay aking pipigilan 

Dahil alam ko naman, hindi mo rin ako magugustuhan 

Dahil may iba ka nang napupusuan. 


 Tanging hiling ko lamang 

 Sa taong magmamahal sayo ng walang labis, walang kulang 

Na ikaw ay ingatan at huwag sasaktan 

Dahil nararapat sa iyo na mahalin ng totoo kailanman.



Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Oct 20, 2022 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Unsent letters and poemsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang