Random Poem Entry #3

16 1 0
                                    


Hindi ko sinasadya

Nang dahil sa aking maling pag-aakala

Ikaw ay aking nakilala

At ito ay nagdulot sa akin ng labis na tuwa.


Hindi maipaliwanag

Aking nadarama

Sa tuwing kausap ka

Puso ko'y parang sasabog na.


Sa ating patuloy na pagpapakilala

Ngayon ko lamang napagtanto

Tayo ay may mga pagkakapareho

Dahil doon, tayo ay laging nagkakasundo.


Kung saan man tayo dalhin ng tadhana

Ako ay magiging masaya

Dahil ikaw ay aking nakilala

At hindi kailanman makakalimutan pa. 

Unsent letters and poemsWhere stories live. Discover now