IANMuli akong nagising nang may bigat sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit nitong nakaraang araw ay nagigising na lang ako nang ganito ang nararamdaman ko. Wala akong maisip na dahilan. Sa katunayan ay naging masaya ako nitong nakaraang linggo.
Kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang mga mensahe. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko nang makita ang pangalan ni Mildred sa una pa lang ng notification ko. Mildred was the girl I met two weeks ago. We keep in touch for two weeks now and I’m getting to know her.
Sa hindi malamang dahilan ay naging magaan ang pakiramdam ko simula nang makilala ko siya. Kapag kasama ko siya, parang nakakalimutan ko ang lahat. Pansamantala kong nakakalimutan si Lyn, ang nararamdaman ko sa kaniya. I thought it was for the better. Hindi ko alam kung kaya ko pa rin siyang mahalin. Kahit pansamantala lang ay gusto kong kalimutan siya.
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang mapansing wala pa rin ang number ni Lyn sa mga recent na nag-text o tumawag. Medyo nasanay na rin akong palagi kong nakikita ang number niya sa unahan ng messages ko. It’s been two weeks now. Simula noong hindi ko siya sinipot. Galit kaya siya? I know her, hindi siya madalas magtanim ng galit sa akin. Sa totoo lang ay siya ang pinaka-maunawaing taong nakilala ko. Lagi niyang iniisip na may mabuti akong dahilan kung bakit ko ginagawa ang mga bagay-bagay. Minsan ay isa iyon sa mga kinaiinisan ko sa kaniya.
It's been three months now. I want her to give up on us. Harap-harapan kong ipinapakita sa kaniya na nawalan na ako ng interes sa kaniya. May pagkakataong nagi-entertain ako ng ibang babae sa harap niya para saktan siya. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isipan ko at gusto ko siyang saktan. Gusto kong ibalik sa pamilya niya ang sakit na idinulot nila sa akin. Kahit pati ang sarili ko ay nasasaktan na rin sa ginagawa ko.
Iwinaksi ko sa isipan ko si Lyn bago naisipang tawagan si Mildred.
“Good morning!” masayang bati niya mula sa kabilang linya.
“Kita tayo sa café malapit sa labas ng campus. My treat,” saad ko.
“Sige. Hintayin kita doon.”
Nang matapos ang tawag ay bumigat na naman ang pakiramdam ko. Lagi na lang ganito. Nakakalimutan ko ng panandalian ang problema ko kapag nandiyan siya. But when she's not around, I feel empty.
Gaya nga nang usapan namin ay nagkita kami sa café. Buong araw kaming magkasama at nilibot ang mga lugar na pwedeng pasyalan. Aminin ko man o hindi, ngayon lang ako naging masaya ulit.
Nang sumapit ang gabi ay inihatid ko siya sa labas ng dorm nila.
“Goodbye,” she pouted.
“Bukas ulit?”
“Bukas ulit. Sabay tayong kumain.”
Napangiti naman at ginulo ang buhok niya.
“Ian!” saway niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit pagtawag lang niya sa pangalan ko ay natutuwa na ako.
“Sige na, pumasok ka na. Dumidilim na eh.”
“Sige.” Masaya siyang kumaway sa akin bago pumasok sa loob ng dorm nila. Agad naman akong naglakad patungo sa bus stop.
PAGPASOK KO SA loob ng unit ko ay bumungad sa akin ang malakat na paligid. Wala akong oras para maglinis. Sa katunayan ay nakasanayan ko na rin ang pagpunta rito ni Lyn. She does the house chores sometimes. I don't know why she stopped doing that after her foster parents died.
BINABASA MO ANG
Seven Days Of Heartbeats
RomanceCOMPLETED | UNEDITED Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him, she was the only one he had. Ngunit nagbago na lang siya nang malaman niyang ang ama ng nobya at ang pumatay sa nakaba...