IAN
I smiled at Mildred before I opened the door. We instantly got their attentions after we came in. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Mildred sa kamay ko. Kakaiba kasi ang tingin ng mga kaibigan ko sa amin at hindi iyon nakakatuwa. Kahit sino ay hindi magiging komportable sa makahulugan nilang tingin.
“I'm going with her,” paalam ko sa kanila. Kita ko ang pag-iling ni Song, mukhang dismayado. Tumingin ako sa kanilang lahat pero walang gustong magsalita. Nasa tambayan namin kami ngayon.
“Hi, Mildred,” bati ni Lance. Pilit namang ngumiti si Mildred.
“Hi.”
I looked at Mildred when she turned her attention to me. “Ian, may klase pa pala ako. Kita na lang tayo mamaya.”
Nang umalis siya sa silid ay 'saka lang sila nagsalita.
“Seriously? Why her? Hindi ba pwedeng si Lyn ang isama mo?” tanong ni Song, hindi maitago ang pagkadismaya. Bukas na ang camping namin para sulitin ang sembreak. Dinala ko si Mildred sa gym kanina para ipakilala sa kanila. Hindi sila nagsalita kanina kasi nasa paligid si Mildred. Ngayon na lang sila nagkaroon ng pagkakataon na sabihin ang gusto nilang sabihin.
“I broke up with Lyn,” pagdadahilan ko. Natigilan naman silang lahat.
“W-What?” hindi makaniwalang ani Lance. “Dude, I don't know what to say. Sayang 'yung seven years. Sigurado kang hindi mo pagsisisihan?”
Natigilan ako sa tanong niya. Bumuntong hininga ako bago sila tinugon. “Hindi niyo kasi naiintindihan ang sitwasyon ko.”
Tumango naman si Aaron bago ngumisi sa akin. “Naiintindihan ko. Lyn was too good to be with someone like you, Ian. You're the real definition of jerk.”
Masama naman akong tumingin sa kaniya. Akala ko ay naiintindihan niya talaga ang pinupunto ko.
“Hindi niyo kasi alam kung gaano kahirap manatili sa isang relasyong walang patutunguhan, nakakasakal. Hindi na kami gaya nang dati,” pagdedepensa ko sa sarili ko.
“No, Ian. Ikaw ang hindi nakakaintindi. As far as I know, ilang buwan pa lang simula nang mamatay ang mga magulang niya. You supposed to be with her but instead, mas pinili mong magloko isang linggo lang matapos mailibing ang mga magulang niya,” tila nanenermong saad ni Dom.
Natigilan ako sa sinabi niya. Sa hindi malamang dahilan ay tinamaan ako sa mga sinasabi nila. Alam kong naging makasarili ako. Hindi inintindi ang mararamdaman ni Lyn sa ginagawa ko. Ang alam ko lang ay ang sarili kong nararamdaman. Iniwan ko siya sa mga araw na kailangan niya ng mga taong dadamayan siya matapos dumating ang mga totoong magulang niya. That's when I've learned that she is Philip Quireno's daughter.
I know I am being unreasonable. I love Lyn, I know that more than anyone. Siguro ay gusto ko lang ibalik ang sakit na idinulot sa akin ng tatay niya. Siguro ay gusto kong isipin niyang ako ang may kasalanan kung bakit hindi nag-work ang relasyon namin. Siguro ay gusto ko lang na siya ang sumuko sa aming dalawa. Hindi ko lang maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako magawang bitawan.
“Guys, don't make me feel that I am the bad guy here. Hindi niyo alam ang buong storya,” giit ko.
“You are,” ani Dom. “In case you don't know.”
“Guys, don't be like that. It's not like this is the first time na nagloko si Ian. You didn't even say a shit when he started cheating,” pag-uungkat ni Song sa nakaraan.
Natigilan naman ako. Although, I did not mean to cheat on her now, It was my intention to hurt her. Hindi ko lang inaasahang magkakaroon ako ng feelings kay Mildred. Mapait akong natawa. Ian, that's already cheating. Having feeling with someone. You kissed her not once but twice.
BINABASA MO ANG
Seven Days Of Heartbeats
RomanceCOMPLETED | UNEDITED Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him, she was the only one he had. Ngunit nagbago na lang siya nang malaman niyang ang ama ng nobya at ang pumatay sa nakaba...