06 : Mysterious Guy

62.2K 2.1K 119
                                    


AVALYN

“Magkita tayo mamaya sa café malapit sa labas ng campus pagkatapos ng klase,” malamig na sabi ni Ian bago pumasok sa loob ng campus, hindi man lang hinintay ang sagot ko.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang pinapanood siyang makalayo sa akin. Matamlay na napangiti nang mapagtantong napakalayo na niya sa akin para maabot ko siya.

Habang naglalakad ako sa kahabaan ng pasilyo ay hinarangan ako ni Hana, ang bestfriend ko at dati kong ka-teammates. Masama siyang tumingin sa akin, halatang hindi natutuwang makita ako.

“Lyn, what are you doing here?!” bulalas niya sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti. Masaya akong makita siya ngayon. Bukod kasi kay Ian ay siya ang dahilan kung bakit ko gustong pumasok ngayon.

“Masama ba? Gusto ko rin mag-aral,” biro ko sa kaniya. Tinitigan niya ako sa mga mata. Siya na rin ang sumuko matapos ang ilang saglit na npakikipag-sukatan niya ng titig sa akin. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya bago magsalita.

“Kahit kailan talaga ay napakatigas ng ulo mo,” pagsuko niya. “You should be in the hospital right now.”

Captain ball si Hana ng team namin. Nang subukan kong mag-quit ay labis siyang tumutol doon. Ayaw niya akong payagan. Kung hindi ko lang sinabi ang condition ko ay hindi siya papayag. Bestfriend ko siya simula grade seven. Siya ang isa sa mga taong nagbigay sa akin ng mga masasayang alaala na hanggang sa huling hininga ay ipagpapasalamat ko iyon.

Pareho kaming natahimik makalipas ang ilang segundo. Pansin ko ang lungkot sa mga mata niya.

“Hey, cheer up. Para kang mamamatayan dito,” biro ko pa sa kaniya. Napalabi naman siya, masamang tumingin sa akin.

“Hindi nakakatuwa,” inis niyang tugon bago tumalikod. Natatawa naman akong niyakap ang mga braso niya.

“Mami-miss mo lang ako eh–”

“Lyn, ano ba?!” saway niya sa akin.

“Oo na,” natatawang saad ko pa bago siya niyakap ng mahigpit. Kahit papaano ay narinig ko ang marahan niyang pagtawa.

Nagpaalam muna sa akin si Hana para pumasok sa unang subject niya. Gusto man niyang sumama ako sa kaniya sa klase ay hindi ako pumayag. Ang sabi ko ay gusto kong libutin ang buong campus. Alam ko kasing mami-miss ko ang lugar na ito kapag nasa hospital na ako.

Siyam na araw mula ngayon ay kakailanganin kong manatili sa hospital. Suhestiyon ng ibang doctor na sa ibang bansa kami magpagamot. Mas moderno daw kasi ang mga kagamitan nila doon at matutulungan akong pahabain ang buhay ko. Wala rin kasing mahanap na donor sa bansa. Isa pa, ayaw kong umalis. Kung mawawala ako, okay lang sa akin. Tanggap ko iyon. Sapat na sa akin ang masilayan ang mundo sa loob ng dalampu’t tatlong taon.

Habang naglalakad sa corridor ay. naalala ko ang lalaking nakilala ko dalawang linggo na ang lumipas. Nasaan kaya siya ngayon? Kanina pa siya hinahanap ng paningin ko pero wala sa kahit saang sulok ng campus. Ipinagtanong ko na rin sa iba pero walang makapagsabi kung kilala na nila.

Natigilan ako nang makuha ng atensyon ko ang lalaking iniisip ko kanina. Napakurap ako nang makita ang lalaking iyon sa rooftop ng kabilang building. Nakatalikod siya sa akin kaya’t hindi niya ako makita. He was sitting at the edge of rooftop. Alam kong siya iyon dahil sa uniform na suot niya.

Seven Days Of Heartbeats Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon