AVALYN
Hindi ko alam kung paano ko nagawang makauwi pagkatapos ang nangyari sa pagitan namin ni Ian. Hindi ko rin alam kung paano ko nalagpasan ang bagay na iyon. Akala ko ay aatakihin ako sa puso sa mga oras na iyon. Hindi ko rin alam kung magiging masaya ako sa deal naming ni Ian. Parang gusto ko tuloy na bigyan ang sarili ko ng award. Best Tanga of The Year.Matamlay akong napangiti nang makitang nasa harap ng bahay na ako. At least makakasama mo siya ng pitong araw.
Hinawakan ko ang puso ko. Sobrang hina na naman nito para maramdaman ang pagtibok. Ang sabi ng doctor ay bawal daw akong makaramdam ng matinding emosyon. Hindi ako pwedeng maging masyadong masaya. Hindi rin pwedeng makaramdam ng matinding lungkot. Kahit ang emosyon ko ay dinidiktahan na ngayon. Nakakatawa lang. Bakit ba kasi ako?
Napabuntong hininga ako nang hawakan ang pinto. Alam kong sa oras na buksan ko ito ay bubungad na naman sa akin ang mukha ni Diane. Alam kong magagalit siya sa akin kasi pinagbawalan niya akong lumabas dahil daw baka mas lalong lumala ang kalagayan ko. Hindi naman ako nakinig. Kailan ba ako nakinig sa kanila simula nang muli silang dumating sa buhay ko?
Ilang saglit pa ay lakas-loob kong binuksan ang pintuan. Gaya nang inaasahan ko ay bumungad nga siya sa akin. Hindi ko lang inaasahan na sa mismong pintuan na.
Hawak-hawak niya ang cellphone niya sa kanan niya at ang susi naman ng kotse sa kaliwa. Bakas din sa mukha ang pag-aalala habang nagmamadaling isuot ang sapatos niya. Namumula na rin ang mga mata niya at kahit anong oras ay lalabas na ang mga luha rito. Natigilan lang siya nang makita ako.
Kinagat niya ang labi niya kasabay nang pagbagsak niya sa sahig. Tuluyan nan gang lumabas ang mga luha niya.
“Lyn naman eh!” Napahilas siya sa mukha. Namamasa na rin ang mga mata niya. “Ako iyong papatayin mo sa sakit sa puso!”
Dapat ay galit ako sa kanila ngayon matapos ang pag-iwan nila sa akin noon. Pero habang pinapanood ko siyang umiyak sa harap ko ay tila nanlalambot ang puso ko. Ilang buwan ko na silang kasama at paunti-unti ay naiintindihan ko na rin kung bakit nangyari ang nangyari. Hindi ko lang sila pwedeng patawarin sa ngayon. Hindi pa sa ngayon.
“Saan ka ba pumunta? Hindi ba sabi ko s aiyo na huwag kang lalabas ng bahay? Hindi mo ba alam na may nag-aalala sa iyo?!” piyok niyang sabi.
Hindi ako kumibo. Pinanood ko lang siyang umiyak sa harap ko. Ilang saglit pa ay tumigil siya. Agad siyang tumayo at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
“Umiyak ka ba?” kunot-noong tanong niya. Agad naman akong nag-iwas ng tingin.
“Pumunta ka ba kay Ian?” dagdag niya. Muli ay hindi ako sumagot.
“God! Lyn, kailan mo ba ako susundin?! Hiwalayan mo na ‘yang boyfriend mo kung hindi ay siya pa ang papatay sa ‘yo! Alam mo namang hindi ka pwedeng makaramdam ng matinding emosyon, hindi ba?” panenermon pa niya. Pilit naman akong napangiti bago tumingin sa kaniya.
“No, hindi siya ang papatay sa akin, Ma. Siya ang rason ko para mabuhay. Siya ang dahilan kung bakit pinipilit ko pa ring mabuhay,” mahina kong saad. Ramdam ko ang isang patay ng luha na dumaloy mula sa pisngi ko. Nanlambot naman ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Siguro ay dahil naintindihan niya ang ibig kong sabihin.
“Bigyan mo ako ng pitong araw para makapagpaalam sa mga kaibigan ko. Pagkatapos nu’n ay susundin ko na lahat ng gusto niyo,” dagdag ko pa bago tumalikod sa kaniya. Naglakad ako papunta sa kwarto ko. Matapos kong isara ang pinto ay isinandal ko ang sarili ko rito.
BINABASA MO ANG
Seven Days Of Heartbeats
RomanceCOMPLETED | UNEDITED Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him, she was the only one he had. Ngunit nagbago na lang siya nang malaman niyang ang ama ng nobya at ang pumatay sa nakaba...