Chapter 24: Paalam EXO :'(

64 1 0
                                    

Jasmin's POV 

Tuluyan na nga akong naka layo sa mala impyernong lugar na yun. Pero ang hindi ko tanggap ay iniwan ko ang boyfriend ko sa lugar na yun kasama ng mga kaibigan niya. Kaya inisip kong napaka walang kwentang tao ko T___T. Kaya bago ako humingi ng tulong, lumingon muna ako sa apartment at sinabi ko.

PAALAM EXO :( AT PAALAM RIN SAYO KAI NA PINAKA MAMAHAL KO. PASENSIYA NA KUNG HINDI KO KAYO NAILIGTAS :(. PASENSIYA NA KUNG INIWAN KO KAYO. PASENSIYA NA KUNG HINDI KO KAYO BINALIKAN. WAG KAYONG MAG ALALA MAKAKAMIT NIYO ANG HUSTISYA. Sabi ko habang nakadapa sa lupa at umiiyak sa kalagitnaan ng ulan.

Kaya habang umiiyak ako, nakarinig ako ng sigaw mula sa apartment. At yun na pala ang huling buhay nila. Kaya sinimulan ko ng humingi ng tulong.

Tulong! Tulungan niyo po ako! Pagmamakaawa ko sa kanila.

Pero walang pumapansin saken. Kaya bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo at hindi ko namalayang nahimatay na pala ako.

---

*Six Days Later*

Nagising na ako sa ospital. Nakita ko nakapaligid saken ang EXO. Nakaputi silang lahat at may dala-dalang puting rosas. Kaya nagulat ako. Diba wala na sila?

Buti naman Jas at nakaligtas ka. Wag kang mag alala okay na kami sa kinalalagyan namin. At Lagi ka naming babantayan, Lalo na si Kai. Sabi ng Leader nilang si Suho sabay abot saken ng Puting Rosas.

Bigla namang lumapit si Kai saken. May dala rin siyang puting rosas. At kinausap niya rin ako.

Baby, di man ako nakaligtas wag kang mag alala lagi kitang babantayan. Hindi kita pababayaan. Lagi mo lang tignan itong puting rosas na bigay ko sayo kasama ng singsing na binigay ko sayo. Mahal na mahal kita Jasmin. Sabi ni Kai saken sabay halik sa noo ko.

Isa-isa na nilang binigay saken ang puting rosas na dala nila at unti unti na rin silang nawawala sa paningin ko.

Ako naman ay nag start na sa pag Luha at nag start a rin sa pag sigaw. Kaya biglang may pumasok sa kwarto ko na doktor kasama ang mama ko at mama ni Kai.

Mag hunos dili ka iha. Hindi ka pa magaling. Pagkakalma saken ng Doktor.

Nakita ko sila. Nakaputi sila at binigyan pa nga nila ako ng bulaklak ehh. Sabi ko sa doktor ko habang umiiyak ako na parang baliw.

Iha. patay na sila. Imposibleng magpakita sila sayo. Sabi ng mama ni Kai.

HINDI!! BUHAY SILA!! Pasigaw na sabi ko.

Kaya nagpasya si Mama na idala na ako sa Mental Hospital.Dahil tuluyan na akong nabaliw.

--- 

A/N 

At tuluyan na ngang naging baliw si Jasmin. Maging Okay kaya siya? Abangan sa Last Chapter

OT12: Who will Survive(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon