Naglalakad na ko pauwe galing skul. Kasi nag-enroll ako.
Nakaramdam ako ng vibrate sa bag ko. Dali dali kong kinuha cp ko at tumatawag pala si Mamu. I answered the call.
"Hello Mamu?"
"Chloe! Kamusta pag-enroll mo? Pag pasensyahan mo na si Mamu ah kung di kita nasamahan sa lakad mo. Alam mo naman si Mamu busy sa work sa office."
"Mamu! Ilang beses ko po bang sasabihin ok lang po yun? Kaya ko naman po yung sarili ko----
Bigla akong nasakal. Hayop sino ba tong peste na to? Bastos to ah! Nakita ng may kausap ako sa phone eh. Baka bulag kasi hindi niya nakita?
"HOLDAP TOH!"
Ano daw holdap?? Loading 1. 2. 3.... What? Naholdap ako?
"AHHHHHH! OH MY G!" I screamed.
"Hoy teh! Wag mong ginagaya si Janella Salvador! Hindi kayo magkamukha!" Aba may sinasabi ba kong magkamukha kami? Baliw pala to eh!
"Hoy ka din hayop ka! Bitawan mo ko! Wag kang umasta diyan na kamukha mo si Marlo Mortel dahil ang pangit mo!" Ay gwapo pala!
"Sa gwapo kong toh? Ano ba mga babae ngayon? Gwapo na nga nasa harap nila. Naghahanap pa ng iba! Choosy!?" Aanhin ko kagwapuhan mo? Kung di ka naman loyal at masama ugali mo?
"FYI lang kuya ha? Gwapo ka nga! Holdaper ka naman! Sayang pumapatol pa naman ako sa mga gwapo!" Syempre joke lang yun. Malay mo pakawalan na ko nito sa sinabi ko! Haha nahoholdap pa ba ko sa lagay na toh? Parang nakikipag-asaran lang ako sa baliw na nakatakas sa mental.
Aba pinakawalan ako ng holdaper! Yun lang pala katapat niya! Haha chance ko na toh!
"Talaga Miss? Ano pangalan mo? Pwede ko ba mahingi cellphone num--- OUCHHHHHHHH!"
Di ko na pinatapos yung sasabihin ni kuyang holdaper! Dali kong binigwasan agad yung ano niya! Kala niya ha!
"Holdaper ka ba talaga o Rapist? Sayang gwapo ka pa naman." Sigaw ko sa kanya at dali dali akong tumakbo palayo.
*KRINGG!!! *KRINGG!!!
-
A/N:
Look at the right side. Yung picture. Yan po ung Holdaper! Gwapo noh? Don't mind the cover po. Haha di ko pa kasi naayos eh. Gusto ko lang ipublish ng maaga. Haha sana may makaapreciate ng story ko. Para ganahan akong ituloy yung next chapters. :))) Keep reading. Enjoy.
BINABASA MO ANG
Holdaper in my dreams
Teen FictionWhat if one day may gwapong humoldap sayo sa panaginip mo? Namumukhaan mo yung gwapong holdaper at nagkita kayo ulet sa totoong buhay pero hindi naman talaga siya holdaper kung hindi ultimate bully king! Is there a chance para isumbong mo siya sa pu...