"Oh my ghad ang sweet!""Ang gwapo naman niya!"
"Kuya, Akin ka na lang!"
Ano ba itong naririnig kong mga bulungan sa paligid. Hindi ko napansin na marami na palang pumapalibot samin. Para kaming artista na pinagkakaguluhan. At ano daw? Kuya, akin ka na lang? Sino nagsabi nun? Sasabunutan ko. Akin lang siya! AKIN! Ayan na naman ang aking malanding mata.
Anong pakulo na naman ba pinapalabas nitong Marco na toh? Hindi niya ba alam nakakahiya yung pinaggagawa niya? Hindi pa naman kami ganun kaclose nitong lalakeng to pero makapagsorry parang ayaw niyang mawala ako?
Well. Yan kasi mahirap ngayon pag masyadong maganda!
"Uy Marco ano ka ba naman? Tumayo ka nga diyan!" Parang wala atang narinig. Hindi pa din siya tumatayo!
"Hoy ano ba? Hindi mo ba narinig sinabi ko? Ang sabi ko tumayo ka diyan! Nakakahiya ka!" Naiinis na ko dito ah. Ware ka pa? Kinikilig ka lang eh. Flirt eyes plssss shut up!
"Hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ko napapatawad." He sound pleased.
Ayy? Mag syota lang ang peg? Hindi pa nga kami eh ganito na siya kasweet? Jusko pano pa kaya pag naging kami? Baka langgamin ang paligid sa sobrang lagkit niya.
Ano ba tong iniisip ko? Assumera ka naman. Friendly Sorry lang yan wag kang ano.
"Ok fine! I forgive you. Pwede ka nang tumayo!" Bingi ba to? Wala na naman atang narinig.
"Mukhang napipilitan ka lang eh. Yakapin mo nga ako kung talagang pinatawad mo na ko."
O_________O
Yayakapin ko daw siya? Ano ba pumasok sa kokote nitong lalake na to!? Baliw ba siya. Sa harap ng madaming tao gagawin ko yun?
Ayoko nga! Sabihin eh may gusto ko sa kanya. Sa ginagawa niya na yan para siyang nanliligaw sakin at hindi convince na sinagot ko na siya ng OO!
Di ko alam kung maiinis ba ko o kikiligin eh!
Lahat ng mga tao sa paligid nakapukaw sakin ang mga mata nila at iniintay kung yayakapin ko ba o hindi?
"Yakapin mo na!"
"Wag ka na pakipot!"
"Kunware pa! I-hug mo na ate dali!!!!"
"Yakap! Yakap! Yakap!" Crowd chorus.
Ayan na naman yung mga usisero't usisera.
Naririndi na ko. Bwiset talaga! Para matapos na....
Nilapitan ko na si Marco at agad ko siyang yinakap.
Agad na napatayo si Marco sa pagyakap ko at muntik na ko malagutan ng hininga dahil sobrang higpit ng yakap niya na para bang takot na takot mawala ako.
Hindi ko alam kung ano yung mas malakas na naririnig ko. Yung hiyawan ba ng mga tao sa paligid o yung lakas ng kabog ng dibdib ko?
Kumalas siya sa pagkakayakap sakin. He directly looking toward at my eyes and give me a killer smile.
I froze. Shit! Bakit ganito yung puso ko? Pabilis ng pabilis at palakas ng palakas ang kabog?
Pahina ng pahina yung mga naririnig kong hiyawan sa paligid. Hindi ko namalayan na hawak hawak ni Marco ang kamay ko at hinahaltak na niya pala ko. Nasan na ba kami? San niya ba ko dadalhin?
"Uy san tayo pupunta?" Reklamo kong sabi.
"Basta sumama ka na lang!"
Wala naman akong magawa dahil sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko. Bigla kaming napahinto ng nasa tapat kami ng Pizza Parlor.
BINABASA MO ANG
Holdaper in my dreams
Teen FictionWhat if one day may gwapong humoldap sayo sa panaginip mo? Namumukhaan mo yung gwapong holdaper at nagkita kayo ulet sa totoong buhay pero hindi naman talaga siya holdaper kung hindi ultimate bully king! Is there a chance para isumbong mo siya sa pu...