"Ms. Francisco? Is there something wrong?" My adviser confused.
"A-ahh Wala po ma'am. Sorry po! Di na po mauulit." Ano ba yang kahihiyang pinasok ko. Ang sama ng tingin sakin nung lalaking gwapo. Chloe! Stop calling him gwapo! You're so malandi. Holdaper yan! Holdaper!
Yung mga kaklase ko nagsimula na naman magbulungan.
"Enough class! Stop talking!" Tumahimik na ang klase. Para kong tanga ditong nag-aakmang walang nangyari! Ikaw ba naman sumigaw sa harap ng klase? At sabihan ng Holdaper yung transferee na yun? My left brain protest. Holdaper naman daw talaga yun!
"Chloe? Okay ka lang! Anong holdaper sinigaw mo dun sa kaklase nating late?" Alexa curious.
"Gusto mo malaman? Ganito kasi yun...
Kinuwento ko kay Alexa yung nangyari sa panaginip ko and guess what?
"HAHAHAHAHAHA!!!!" She laugh loudly. Ano nakakatawa sa kwento ko? So mukha na pala kong clown ngayon at napatawa ko siya ng ganun kabongga!?
"Hoy besh! Ano nakakatawa sa sinasabi ko!?" Nahawa na ata to dun sa kabaliwan ni kuyang holdaper!
"Ikaw naman kasi para kang tanga! Hahaha! Panaginip lang yun ano ka ba! Hindi naman nangyari sa personal eh! Hahaha jusko Chloe buti na lang at classmate kita! Nakaka-Good Vibes ka!" Ayy so ngayon lang pala siya naGV sakin ganun? Madalas BV ganun?
Naramdaman ko na lang bigla na may sumipa ng upuan ko. Tinignan ko kung sino yung may gawa nun dahil malilintika siya sakin ang aga aga wag niya sisirain mood ko! Ay sira na pala mood ko! Naiinis na ko sa kahihiyan!
Paglingon ko sa likod ko...
O_______O
"Miss? Anong problema mo! Bakit mo ko tinawag na holdaper?" Patay! What can i say? Huhu hindi naman siya mukhang holdaper ang gwapo kaya niya! Hoy mata! Wag kang malandi!
"Ah ehhh? Mukha ka kasing holdaper! Hehe peace tayo!" Lumingon na ulit ako sa harap. Please lang wag mo na kong kausapin.
"Hoy miss! Sa gwapo kong toh? Mukha ba kong holdaper? Ang sabihin mo na love at first sight ka lang sakin kaya ka napasigaw kanina!" What!!!!???? Ako na love at first sight! Oo ganun na nga. Hey mata ang landi mo talaga sobra sarap mo ibaon sa lupa!
Walang pinagkaiba sa panaginip ko! Parehas silang feelingero! Ang yabang niya masyado siyang GGSS! Lakas makahigh ng self-esteem ang criminal! Kumukulo dugo ko dito sa lalakeng toh! Yung mata ko kilig na kilig naman!
"Ano sabi mo? Ang kapal din ng mukha mo eh noh? Wag mo nga ako kausapin! Hindi ako nakikipag-usap sa criminal! Feeler na toh!" First day of class sinisira araw ko ng lalaking toh! Bakit ko ba kasi siya napanaginipan? Eh ngayon ko lang naman talaga siya nakita sa personal! Ano yun conceidence lang? Destiny?
"Indenial ka pa Pussy Cat! Pulang-pula na nga mukha mo eh! Aminin mo na kilig na kilig ka dito sa pinsan kong si Marco." Paul John said. Ayan na naman yung term niyang Pussy Cat! Kapangalan ko daw kasi yung pusa nila! Aba't naman lahat na lang ng hayop sige kapangalan ko! At ano daw kinikilig? Mata ko lang yun noh! Namumula ko dahil sa galit! Mga bwiset na toh! At magpinsan daw sila? Kaya pala wala ngang pinagkaiba!
"Pwede ba tigilan niyo kong dalawa! Wag niyong sinisira araw ko! Pag ako hindi nakapagpigil ng inis. Ililibing ko kayo ng buhay mamaya!" Gusto ko na umuwe! Ayoko na makita pagmumukha ng dalawa na to dito.
"Hahahahahaha!" They laughed.
"Hoy holdaper na sabi ni Chloe! Kay bago bago mo pa lang dito ganyan ugali na agad pinapakita mo. Feel na feel mo naman! Baka gusto mong bigyan kita ng I.R. At ireport kita at paglinisin ng buong hallway! President ako ng Student Government kaya matakot ka na sa pwede kong gawin sayo!" Alexa said to Marco.
"Yari ka bro!" Pananakot ni Paul John sa pinsan niya.
"Isa ka pa! Parehas ko kayong irereport mamaya kapag hindi kayo tumigil!" Buti nga! Haha Buti na lang talaga bestfriend ko to si Alexa.
"Opo titigil na President Arroyo!" They both said and laugh harder. Hala si Besh galit na galit na! Yare kayo ngayon!.
"Anong sabi niyo? Talagang sinusubukan niyo kong dalawa ha! Pwes humanda na kayo sa punishment niyo!" Biglang tumigil sa pagtawa yung dalawa at nanahimik na lang. Natakot siguro sila kay Besh! Haha.
---
Lunch time na. Andito kami sa canteen ngayon ni Besh.
"Uyy Chloeee! First section ka na pala. Hindi na tayo magkaklase wala na kong kadaldalan sa room kanina. Miss na kita. Huhu." Si Mitch yung close friend ko na kadaldalan ko lang maghapon nung nasa last section pa ko.
"Hi Mitch! Oo nga eh miss na din kita. Yaan mo minsan pag busy si Besh tayo ang sabay pag breaktime!"
"Oh sure! Basta nasa room lang naman ako. Kapag kailangan mo ng kasama tawagin mo lang ako. Sige bye na."
"Oo cge." At saka nagmadal na siyang umalis. Nakakapanibago lang talaga na hindi na ko last section ngayon! Mas lumala nga lang yung mga nakakabwiset kong kaklase sa first section! Dinaig pa last section sa katarayan at kasamaan ng ugali nila. Grabe di ko kineri.
"Uy besh! Ngayon lang ako nabwiset ng ganito dahil sa dalawang pesteng lalake na yun!" Halata nga sa mukha ni Alexa at sasabog na sa inis.
"Hey Chloe at Alexa. Pwede ba makishare ng table?" Parang kilala ko yung boses niya eh. Di nga ako nagkakamali. Si Marco the holdaper! Kasama si PJ.
"Hanggang dito ba naman mang-iinis kayo? Please lang Marco at PJ! Wag niyo ng subukan si Besh dahil hindi niyo kilala toh pag sumabog sa sobrang galit." Sumimangot naman yung dalawa! Ay ang weird ha.
"Wala naman kaming balak mang-inis ah. Gusto nga namin mag-sorry sa pang-aasar namin kanina!" Wow! Sinapian ng kabutihan ang dalawa.
"Sorry? Haha it is just a fake?" Di convince si besh! Ako din eh. Maniwala ako sakanila. Pero hindi kinaya ng mata ko ang kagwapuhan ni Marco. Sige na napatawad na kita.
"Sorry na nga eh. Hindi na po mauulit. Gusto lang sana namin ni PJ makipagbati sa inyo at makipagkaibigan." Kaibigan? Aba gusto ko yan! Haha ang landi talaga ng mata ko!
"Uy besh! Mukhang totoo naman sinasabi nila. Makipagbati na tayo. Wag ka na mag-ipon ng galit sa kanila. Sige ka papangit ka niyan." Bulong ko kay Besh. Ewan ko ba kung bakit nasabi ko yun? Dahil siguro gusto ko makipagkaibigan dito sa gwapong toh.
"Ok fine. Bati na tayo. You can now sit on our table. But being a nice friend with the two of you ay pag-iisipan ko pa!" Ang harsh ni besh, haha.
"Okay po basta bati na tayo hahaha." PJ said.
Lord Thank you po sa araw na to. Katabi ko po yung gwapong nilalang ng Clark Academy!
BINABASA MO ANG
Holdaper in my dreams
Teen FictionWhat if one day may gwapong humoldap sayo sa panaginip mo? Namumukhaan mo yung gwapong holdaper at nagkita kayo ulet sa totoong buhay pero hindi naman talaga siya holdaper kung hindi ultimate bully king! Is there a chance para isumbong mo siya sa pu...