PARA- PARAAN
A/N: kay Kailey muna tayo fo- focus.
Special Chapter niya to... Haha...Kailey's Pov
“Hintayin mo kami ng kuya mo ha? Wag kang aalis, sabay na tayong tatlo---”
Pinutol kuna ang sinasabi ni Ate Mickee. “At staka yung baon ko ubusin ko dapat, kapag may umaway sakin ay isumbong sayo at wag ng pumatol, dapat active sa class at wag puro kay Crush, at pag uwian ay mag hihintay ako sainyo ni Kuya. Ok na ate, memorize kuna nga eh...” nakangusong sabi ko. “Halos araw araw mo kaya sinasabi yan! Stk.” nandito kami ngayun sa kotse ni Kuya Raven. Papunta na kami sa Danice Highschool since First Year Highschool ako sila ay Fourth Year.
“Hayy... Kailangan kitang paalalahanin dahil alam mo naman ang nangyayi sa bahay diba? Delikado!” Sabi ni Ate Mickee at bumaba ng kotse matapos ipark ni Kuya.
Inalis kuna rin yung seatbelt ko at lumabas. Napatigil ako sa pag aayus ng bag sa likod ng mapansing natatawang nakatingin sakin si Kuya Raven.
“Bakit po Kuya?” kunot noong tanong ko dito
“Pfftt..wala, ang akala ko kase ng una kitang nakita ay mga 8 or 10, 11, 12 ganyan ang edad mo... Haha First Year kana pala? Akala ko kase 8 ka palang or 9 eh...” natatawang sabi nito, si Ate Mickee naman ay tawa ng tawa.
Eh?
“Stk. Ganyan talaga kuya pag baby face!!!” pag mamalaki ko.
“Stk. Baby face ka diyan?! Parehas kayo ni Ate mo, Ganyan talaga pag PANDAK!!!” natatawang lumayo siya samin at naunang mag lakad.
“Tarantadong yun... BAKLA!” singhal naman ni Ate Mickee sakanya.
Hahaha ang cute nilang tignan.
“A-ah, ate sige ako nalang mag isa, baka malate kayo eh...” paalam ko sakanila. Nahagip kase ng mata ko si Caleb, alam mo na... Susunod namaman ako kung saan siya pupunta. Hihihi...
“Huh? Sige, basta mag ingat ka ha?!” si Ate.
“Sige na, excited ka kase makita si Ca---”
“KUYA!!!” sita ko rito. Mahirap na, may makarinig buong campus ang lulusob sakin.
Natatawang umalis yung dalawa, tinanaw kupa sila habang nag lalakad, may sinabi si Kuya kay Ate pero hindi kuna narinig. Masiyado na silang malayo, nakita ko nalang na binatukan ni Ate si Kuya Raven kaya natawa ako.
“Good mood huh?” eh? Napalingon ako sa nag salita sa likod ko.
Si Ford lang pala, halos araw araw yan ang kasama ko eh... Oo lalake siya, eh ano naman? Bestfriend ko yan.“Tss. Oo naman!” nakangiting sabi ko dito at inakbayan siya.
Nakayuko siya dahil nga sabi ni Kuya Raven ay pandak ako. Stk.“Ano ba?! Masakit Mami ah!?” singhal niya sakin.
“Bakit? Gusto mo bang mag snack mamaya ng wala ako ha?, dadi?” tanong ko dito.
Kung nag tataka kayo kung ba't ganun ang friend endearment namin ay tanongin niyo dito sa lalaking to.“Joke lang... Hehe.”
Yun naman pala...
"Kyaaa!!! Si Kristoff!!!"
YOU ARE READING
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionAway bati, away bati. Yan ang buhay ng dalawang bida sa ating kwento ngayun dito. Si Mickee Lim Aguas, babaeng pasaway, palakaibigan, madaldal, palaban, kulang din sa height, mommy's girl at maganda na din pero lalaki kumilos. At Si Raven Ken Suarez...