Itong tulang aking handog, ay tungkol sa babaeng nagmahal ng labis at labis ding nasaktan.Sa babaeng nagmahal na hindi nasuklian, ang babaeng walang ibang ginawa kundi sarili ay saktan. Dahil sa labis na pagmamahal di nya napansin na sya'y pinaglalaruan na kung saan isa lamang syang kasangkapan upang ang dalawang pusong nagmamahalan ay pagtibayan.
-itoy may ibat ibang tugma at sampung(10) sukat at walong taludtod.
"LABIS"
Pag-ibig ko sa kanya ay labis
Kaya ako ay naghihinagpis
Di ko magawang siya ay matiisMga salitang kanyang binitawan
Ito'y tumatak saking isipan
Pag-ibig koy di nya masuklianNgunit wala akong pinakinggan
Bakit puso'y walang kapaguran
Kahit ilang beses nang nasaktanSarili ko'y di ko na kilala
Ni di kona magawang tumawa
Ako pa ba'y muling liligaya?Taon pa ba, aking hihintayin
Nais ko lang ako'y mahalin
Yung taong ako'y seseryosohinPagod na ako sa lahat ng sakit
Hawak ko'y gaano man kahigpit
Kung sya naman ay ayaw kumapitPara akong sumugod sa laban
Sa laban ng pag ibig kung saan
Ako, ikaw, sya ang panauhanAko'y nagsisilbi nyong kalaban
Ako na nagsisilbi nyo ring daan
Upang pag ibig nyo'y pagtibayan.Ang nais ko lang ipabatid sa tula na ito......
Na ang labis
Ay nakasasama
Hindi lahat ng iyong gusto
Iyong makukuha
Huwag magmadali
Dahil merong isang tao para sayo
Na sayo'y nakatakda..
![](https://img.wattpad.com/cover/237700819-288-k997575.jpg)